Saturday, June 17, 2006

Ok Fine

Totoo pala ang kumakalat na warning na hinuhuli ng Victoria Police ang mga cute sa Melbourne! At ako ang unang biktima. Sa unang pag-kakataon, in 21 years (plus 7) of my life- naks- ay naranasan ko din na maging center of attraction sa kalye. Kaya lang dahil sa isang traffic violation. Kakaiba pala ang pakiramdam kapag ginilidan ka ng police car na umiilaw-ilaw pa para pahintuin.
.

Nung isang gabi lang kausap ko ang isang kaibigan ko na may "connection" sa isang general sa Malacanang. Dalawang beses na daw siyang nahuli ng traffic enforcers sa Metro Manila pero dahil sa kanyang "connection" lagi siyang napapalusot. Galing!

Dahil sa kaba, ngayon ko lang naalala ang mga gusto kong sabihin sa pulis na humuli sa akin:
  1. Best friend ko nung elementary ang anak ng vice-mayor ng Pulilan.
  2. Kamag-anak namin ang dating governor ng Bulacan.
  3. Nabigyan ko ng recollection ang klase ng anak ng governor ngayon ng Bulacan.
  4. Dating PNP at black belter sa Aikido ang Ama ko.
  5. Assistant Medic Officer ako sa CMT nung highschool.
  6. At may kaibigan akong may kaibigan na general sa Malacanang.
Kaya lang late na. Pero di ko din masasabi iyon dahil hindi ko makakalimutan ang famous statement ni dating Pangulong Erap Estrada (na kaagad niyang kinontradict) sa kanyang inaugural speech: "walang kaibi-kaibigan, walang kama-kamaganak..."

Moral lesson: Ok fine. Mag-bayad ng fine.

No comments: