Mula sa e-mail ng isang special friend:)
Naranasan mo na bang mahiwalay sa iyong mahal na kasama mo sa loob ng maraming taon? Sa taong inakala mo na makakasama mo na sa iyong buhay? Sa taong akala mo na pagmatanda kana ay nandiyan pa rin sa tabi mo? Mahirap ang mawalan ng kasintahan, maging ano mang paraan yan mahirap pa rin. Ilang taon kayo na nagpaikot-ikot sa mundo ng bawat isa. Nakilala mo na kanyang mga kaibigan, kamag-anak, kaibigan ng kamag-anak, kaaway ng kaibigan at siyempre ang kanyang pamilya. Tinuring mo na rin na sarili mong mga magulang ang magulang niya, at ganun din naman sya. Pinag-tiisan mo na ang kakulitan ng mga pamangkin nya na sa tuwing dadalaw ka eh ihahampas sa iyo ang hawak niya o di kaya naman ay sasabunutan ka. Pati nga ang mga alaga nilang pets ay close mo na.Ang mga officemates ninyo ay magkakakilala na rin. Magkaka YM, MSN or Friendster dahil friendly friends na rin. Eto pa ang matindi. Friends mo ang ex-girlfriends nya.
Kung ikaw ay nasa opisina. Hindi ka makapag trabaho, dahil nakikita mo sa monitor ng computer mo ang mukha nya. Pakiramdam mo ay nakikita mo nanaman ang inyong maliligayang araw. At tuwing pupunta sa rest room, haharap ka sa salamin, kakausapin mo sarili mo, pagmamasdan at tatanung kung ano pa ba ang kulang sa iyo at nagawa ka niyang ipagpalit sa iba. Nangingilid pa ang mga luha sa mata mo, mamumula ngayon ang ilong mo at di mo alam papaano babalik sa loob ng opisina dahil baka may makakita sa mga officemates mo. Lumilipad din ang isip mo pag nasa meetings ka. Isa pa, habang naglalakad ka, naaasiwa ka dahil wala ka ng kasamang naglalakad sa tabi mo na dati eh pa sway-sway pa ang inyong magkahawak na kamay. Feeling mo pa kawawa ka dahil walang nagbubuhat ng iyong mga gamit mo na mabibigat. Wala na ring humaharang sa tawiran parang siya ang magpasaga sa rumaragasang bus. Wala na ring sumusundo sa iyo pagkagaling sa opisina para mag diiner at mag movie. Wala ng babati ng “happy monthsary sweetie, I love you” Hindi ka rin makakain, makatulog, may taghiyawat ka pa sa noo dahil sa puyat. Pero ang 3 huling senyales na ito ay medyo lumang tugtugin na, kaya sana mag-isip ka ng ibang diskarte, yung kakaiba. Eto pa, pagdating mo sa bahay, uupo ka pa sa may tabi ng land line o pasulyap-sulyap sa mobile phone; titingin tingin at iniisip na pag nag ring ay ito ang iyong ex-boyfriend na nakikipag balikan sa iyo. Ang malala eh na feel mo na ba yung akala mo na ok kana pero bitter-bitteran ka pa pala? Naku, mahirap talaga yan. Pero importante ay harapin mo tunay na nararamdaman, pero sana naman ay bigyan mo ng katapusan. Huwag naman sana 3 taon ha. Hindi magandang idea na ilublob ang sarili sa mapait na sinapit, baka di kayanin ng vitamins ang drama mo.
Girl, tama na ang ganiyang sentimyento, medyo nakakaubos yan enerhiya eh. Simple lang, pag iniwan ka ng boyfriend mo, aba magpaganda ka, mag-isip ng mga makabuluhang bagay na dapat mong gawin. Aminin mo na kayo ay nag ikutan ng mundo dati; hindi na nga kayo lumalabas kasama ng mga kaibigan nyo. Tinigil mo na ang mga dati ninyo na ginagawan nung hindi pa kayo. Wala na kayong nakikita kung hindi ang bawat isa. Para bang bawat araw eh lumulutang sa alapaap sa kaligayahan. Naiisip na ito na nga ang lalaking pag aalayan ng iyong buhay. Pero teka, gising muna tayo ulit ha. Tulad ng sinasabi ko kanina, gumawa ng makabuluhang bagay. Mag-aral ng bagay na interesado ka at sa tingin mo ay magiging mabunga ka. Tawagan ang mga kaibigan na halos kinalimutan mo na. Makipagkuwentuhan sa pamilya mo at mag libre pag kumain kayo sa labas. Maging volunteer sa isang organization na may magandang layunin. O eh di ngayon, naiisip mo na madami ka pala dapat gawin. At dahil nakakarecover kana unti-unti, mas maganda na samahan mo ng pagpapatawad sa kanya. Kalimutan na ang mga masasakit at mapapait na palitan ng salita ninyo nung araw na naghiwalay kayo, magpapabigat ng dibdib mo yan sa tuwing ito ay aalalahanin mo pa. Isipin mo nalang na ikaw ay pinapatawad din ng Diyos sa iyong pagkakamali. Isipin mo na hindi kayo ang God’s will. Pero, patawarin din ang sarli ha, mahalag ito. Isipin mo na maraming nag mamahal sa iyo. Huwag kang selfish, move on! J
Teka, for the next step, ang isa sa mahirap sa lahat eh, paano mo sasabihin sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan na kayo ng break na. Diba nga, friendly friends na kayo. Naku, idolo pa naman nila kayo dahil kayo daw ay almost perfect (hehehe) May mga fans nga kayo kaya puwede kayong love team. Ayan siyempre, hindi mo puwedeng pagtagalin eh. Mahahalata lalu na ng mommy mo na malungkot ka. Ang boyfriend mo na lagging nandiyan ay nawawala na. Mag-iisip ka pa ng dahilan, kesyo busy, na assign sa project, may sakit at etc. Basta, iba-ibang version every weekend. Pero mukhang unti-unti kanang nagkakalakas ng loob gusto mo ng magtapat ng tunay na nangyari. Ang problema eh ayun tiyak magigiing affected sila syempre, dahil napamahal na sila sa ex-boyfriend mo. Akala nga nila, siya na mamanugangin nila. Normal lang yan, mauunawan din nila. Siyempre masakit iyon para sa kanila. Kaya pakita mo na okay na okay ka naman at wala silang dapat intindihin. (teka wag kang magpapanggap, dapat makumbinsi mo muna sarili mo kaya mo na nga magpakatatag)
Ngayon, ang haharapin mo naman ay ang iyong mga manliligaw. Ayan, dahil sa mundong ng Friendster, makikita na ng mga may HD sa iyo (hidden desire) na ikaw ay “Single” ang status. Ayan na, iisa-isa na silang nagpaparamdam. Simula sa may crush sa iyon nung elementary, hanggang sa nag papacute sa iyo nung highschool at dating manliligaw nung college. Mga kaibigan na nagtatapat ng damdamin. Mga nirereto ng mga kaibigan mo. Biglang may magtetext pa sa iyong ng “can you be my textmate” May manliligaw na makulit, yung halos araw-araw ba eh gusto eh magkita kayo. Mayroon naming, nakaka-bored, yung wala kayong mapag-usapan. Meron naming malakas ang dating. Feeling niya na siya na magiging next boyfriend mo. May torpe, ayaw umamin, puro pasaring lang. Meron din naman na iyong nagugustuhan na at gusto ka rin, pero ayaw ninyong umamin. Well syempre, medyo extra careful kana kasi sa pamimili. Ayam mo ng magkamali, sabi nga. Kaya ipagdasal mo na this time ang God’s will. Kung wala namang manliligaw, okay pa rin, just take your time. Huwag magmadali, darating ang tamang panahon.
Hay nako, masaya ang buhay ng isang single. Exciting dahil alam mo na nandiyan lang sya sa tabi-tabi at hinihintay ang tamang panahon na kayo ay pagtagpuin ng Diyos. O sya, alam mo na gagawin mo ha kung ikaw ay isang CSWU (Certified Single Woman & Un-attached)
*written by Pinky Marie (posted with permission)
Friday, June 16, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment