Saturday, June 24, 2006

Field Trip

Dear Diary,

Nagfield trip kami kahapon ng mga kaklase ko. Naalala ko tuloy dati tuwing may field kami nung elementary (at highschool) kailangan kong magpapaalam syempre sa aking ama at ina. Hindi lang nila ako pinayagan ay sa jamboree ng boy scout. Ang pinaka-enjoy ng field ko ay nuong grade 6 ako. Masayang nakakahiya dahil kinandong pa ata ako ng crush ko sa bus. At ang matindi bago umandar ang bus ay dumating ang ama ko na may dalang bonamine tablet para sa akin (sukahin kasi ako dati sa bus, sa dyip at sa ferris wheel). Sinabihan pa niya ang crush ko na mag-ingat at baka sukahan ko siya.

Feeling ko bigla akong naging tao nang makapasok ako sa Malacanang palace, Ayala museum at kung saan saan pa. Since grade six gusto kong bumalik sa Malacanang memorable kasi sa akin iyon

Ang pinuntahan nga pala namin kahapon, bago ko makalimutan ay kakaiba sa field trip namin kumpara sa nung elementary ako. Nagtungo kami sa Bunurong Memorial Cemetery para maging pamilyar kami sa lugar "ma-at home" at magkaroon ideya sa aming hinaharap na gampanin. Ilang panahon na lang kasi ay madadalas kaming magkakaklase sa sementeryo para maglibing ng patay!

Malawak ang sementeyo na ito at napakamoderno. Iba ang pakiramdam kapag may nababasa ako sa lapida na kasing edad ko o mas bata sa akin. May mga pictures din sa lapida at iba magaganda pa. Saan na kaya sila. Tanong ko sa sarili ko.

Pero ang mas astig ay sa crematorium pinanuod namin kung paano ipinasok ang kabaong sa isang malaking oven. Kasama pala ang ataul sa cremation kaya ko bangkay lang. Pero pagkatapos ng icremate ang bangkay plus ataul ang natitira lang ay ang buto lang tao. Totoo pala ang kasabihang, "matigas ang buto." Kukunin ang naiwan buto at ilalagay sa isang parang maliit ng oven (bone crusher o bone reducer) para sa final processing. At presto tapos na ang cremation. Sarap kumain ng pizza pagkatapos.

Ipinakita din sa amin ang mga prothetics na hindi natunaw- turnilyo, pacemaker, knee cup at ibang pang metal na kinakabit sa pag-balian ka ng buto (naghahanap ako ng gintong ngipin pero wala akong nakita).

Marami pa akong kwento pero mag-aalas dose na ng hating-gabi....at medyo gumiginaw!

No comments: