Monday, June 05, 2006

MYMP

Matapos bigyan ng karangalan ang Pilipinas sa matagumpay na pag-akyat ni Leo Oracion at mga kasama sa Mt. Everest – ang pinakamataas sa buong mundo – ay muli nating ipinaalam sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay di basta-basta. Ang galing talaga natin!

Pero hindi naman talaga kailangang gumawa ng malalaking bagay para tayo maging dakila at sumikat sa mata ng ibang tao. Ngunit nakakabuti din naman na ipaalam sa madla ang galing nating mga Pinoy. Hindi dahil sa gusto nating sumikat ngunit alang-alang sa ating sa sarili – upang mas mahalin at ipagmalaki natin ang bawat isa at ang ating mga sarili bilang lahing Pilipino. Siguro kaya mahilig tayo sa mga bagay na ‘imported’ ay dahil kulang tayo sa pag-papahalaga at pagmamahal sa kung sino tayo, ano ang kaya nating gawin at kung anong meron tayo.

Di maikakaila na maraming Pilipino mula sa iba’t-ibang larangan ang hinahangaan sa iba’t-ibang bansa. Marami man sa kanila ay ‘di nadadaanan ng camera o nalalathala sa diyaryo. Gayupaman ikinararangal tayo ng ibang lahi dahil sa kakaiba nating karisma o dating na wala sa iba:

Tulad na lang ng kaibigan ko na kinagigiliwan ng kanyang mga co-workers dahil sa kanyang magaling na pakikisama, masayang pag-aasikaso sa panauhin (sa isang international hotel and appartment services siya) at ang kanyang matamis na ngiting makikita lamang sa isang Pilipina.

Mula po sa bayan ng Baliuag, Bulacan….


Tulad na lang din ng isa pang kaibigan ko na nalathala ang kanyang larawan sa information magazine ng Faculty of Education ng Monash University dito sa Melbourne. Hindi ba’t mahalaga sa ating mga Pilipino ang edukasyon? Para sa akin ay ini-represent niya ang “Pinoy values” na nag-nanais magkamit ng antas at yaman ng edukasyon.

Mula po sa lungsod ng Kamuning, Quezon City…



At siyempre, di papatalo ang isang astig na ito. Kakaiba talaga ang Pinoy pagdating sa pagpupunyagi – ano mang hirap ang daanan – gusto nating magtagumpay lalo na kapag “habulang sako” ang labanan. Sige talon pa Pinoy, talon!

Mula po sa bayan ng Pulilan, Bulacan…




Make Your Momma Proud! Para sa Inang Bayan.



(Mga nag-siganap
Rocel, Patricia at Joel)

No comments: