Thursday, June 29, 2006

Pag-sunod

Nag-iwan ng message sa yahoo messenger ang kaklase ko dati sa seminaryo. Pagkagraduate namin ng Philosophy ay sabay kaming lumabas. Dalawang taon ako sa labas bago ako bumalik muli-- kahit di karapatdapat ay nagbakasakali ako kung may bokasyon nga talaga. Nanatili siya sa labas: ikapitong taon na niya ito ngayon.

Kahapon dumating ang inaasahan kong balita-- ang pagbabalik niya sa loob -- pero nakakagulat pa din. Naramdaman daw niya na tinatawag siya na maging pari. Bakit sa kabila ng may maganda siyang gf at magandang business?

Kahahangang-hangang pag-tataya.

Mabuhay ka kaibigan.

Huwag kang mag-alala di ka NIYA pababayaan.




TO KNOW ONE'S VOCATION
Lord, my God and my loving Father,
you have made me to know you, to love you,
to serve you,
and thereby to find and to fulfill myself.
I know that you are in all things,
and that every path can lead me to you.
But of them all,
there is one especially by which you want me to come to you.
Since I will do what you want of me,
I pray you, send your Holy Spirit to me:
into my mind, to show me what you want of me;
into my heart, to give me the determination to do it,
and to do it with all my love, with all my mind,
and with all my strength right to the end.

Sikat

Nakaraang gabi, tinawagan ng kaibigan ko (gamit ang pay phone) si Jim Paredes ng APO para sa isang "secret business." Nasa tabi lang nya ako bilang moral support. May mas mahalaga pala akong ginampanan nang mauubos na ng credit niya ay dali-dali akong naghulog ng $2 coin.

Kagabi nagtext ang kaibigan ko sabi niya nagkausap uli sila ni Jim. Sabi ko, feeling ko close na rin kami.

****
Kamakailan naman daw ay na-tv sa channel 7 sa programa ni Jessica Soho ang kapatid ng ina kong doctor- Aquilino Esguerra. Isa siyang gynecologist, pero ang interview daw ata sa kanya ay tungkol sa hypnoticsm. Sandali lang daw ang interview pero feeling sikat na ako--kahit di kami close.

Sunday, June 25, 2006

Galing!

Kanina pa ako tawa ng tawa ng maligaw ako sa blogs na ito; parang yung bunsong kapatid ko pag nagkwento "parang nakapapak ng enervon." Hypher pero cute. D' best ang mga kabataan ngayon pa blog-blogs na lang. Nung panahon namin tv lang ang pinagkakaabalahan wala pang cellphone nun at internet. Hindi tuloy kami napupuyat, tulad ko ngayon.

Saturday, June 24, 2006

Field Trip Reflection

Kaugnay sa tripping naming sa sementeryo isinulat ko ito kagabi.

To have a deeper understanding of eschatology we cannot ignore the reality of our ‘individual eschatology’ that is the death of every human being, our loved ones, our friends and including our own deaths. In our modern and secular society, people often avoid thinking death seriously because death is always associated with pain, distortion of our dreams and goals in life. We live in a society where the fulfillment of our modern life is measured by what we have: money, beauty, youthfulness, power, popularity, fast cars, etc. As a consequence of our ‘culture of having’ society we sometimes exaggerate death to such extent that it becomes an object of fear and dread. In perspective, a ‘culture of having’ or ‘death denying’ culture is somehow equal to a ‘life denying’ culture for both ignore the possibility of the self’s relation to God.

Death is always associated with permanent separation that we dare not hope to happen between ourselves and our loved ones. This is certainly explains what St. Paul calls “the sting of death.”[1] But no matter how hard we try to avoid the thought of death we are aware that sooner or later each of us will encounter death. Because death is the final universal phenomenon: no matter how wealthy, influential, powerful, beautiful, healthy and holy we are, we all must die. However, others welcome the coming of death peacefully as death can end up people’s intense suffering in the world.[2] Still, others see death as something that denies our opportunity for further accomplishment in life and which terminates the only life we know.[3] Death in our general understanding, affects not just the physical body rather the whole reality of the person, body and soul. Death is more than a clinical or biological annihilation of the human being; it comprises the individuality of the human person as both physical and spiritual being.

Nonetheless, death is always a mystery and can be the most anguishing question we can encounter: “It is in the face of death that the riddle of human existence becomes most acute.”[4] Death according to Christian faith is not only mysterious but it has a far deepest meaning as well especially in our journey of life on earth with God, and with one another. The mystery of death makes us aware of our human fragility and weakness before our God. The mystery of death makes us aware that without God we are unable to prolong our lives forever. For it is only by having this attitude of humility that one will come to accept the awesome, transcendent and unknown dimension of death.[5] Moreover, humility raises the question of the mystery of God: “God’s creativity, silence, otherness and transcendence.”[6]

We find in the Bible the description of death as the consequence of sin,[7] and as the result of humanity’s rejection to the love of God.[8] Death is not the end of everything for we human beings are “created by God for a happy goal beyond the reach of the miseries of this earthly life.”[9] In a word, the mystery of death radically opens up the existence of something that is beyond our human understanding; it is in and through death that we can enter into the Kingdom of God and live eternally. So we can only make sense of death according to our faith in Jesus Christ who gained victory over death and rose again to life.[10] Therefore, dying with Christ in the hope of resurrection, “means to surrender one’s life, with all its accomplishments and failures, dreams and disappointments, into the hands of God, who alone, can raise it up into everlasting fullness.”[11] And, thus, although death may appear mysterious as it is, in light of Christian faith, death is a free gift which offers us the possibility of being united with Triune God and with our loved ones who have already died, and have already attained to true life with God.[12]


[1] 1 Cor 15:56
[2]Otto Hentz S.J., The Hope of the Christian, (Minnesota: The Liturgical Press, 1997) 49.
[3] ibid. Otto
[4] GS 18
[5] Dermot A. Lane Keeping Hope Alive: Stirring in Christian Theology, (Dublin: Gill & Macmillan, 1996) 54.
[6] ibid. Lane 54
[7] St. Paul states several times that death is a result of sin. In his letter to the Romans he writes, “Therefore as sin came into the world through one man and death through sin, and so death spread to all men because all men sinned” (Rom 6:23).
[8] cf. Wisdom 1:13; 2:24
[9] Gaudium et Spes 18
[10] Cf. 1 Cor 15:56 f
[11] Sachs p. 80.
[12] Gaudium et Spes 18.

Field Trip

Dear Diary,

Nagfield trip kami kahapon ng mga kaklase ko. Naalala ko tuloy dati tuwing may field kami nung elementary (at highschool) kailangan kong magpapaalam syempre sa aking ama at ina. Hindi lang nila ako pinayagan ay sa jamboree ng boy scout. Ang pinaka-enjoy ng field ko ay nuong grade 6 ako. Masayang nakakahiya dahil kinandong pa ata ako ng crush ko sa bus. At ang matindi bago umandar ang bus ay dumating ang ama ko na may dalang bonamine tablet para sa akin (sukahin kasi ako dati sa bus, sa dyip at sa ferris wheel). Sinabihan pa niya ang crush ko na mag-ingat at baka sukahan ko siya.

Feeling ko bigla akong naging tao nang makapasok ako sa Malacanang palace, Ayala museum at kung saan saan pa. Since grade six gusto kong bumalik sa Malacanang memorable kasi sa akin iyon

Ang pinuntahan nga pala namin kahapon, bago ko makalimutan ay kakaiba sa field trip namin kumpara sa nung elementary ako. Nagtungo kami sa Bunurong Memorial Cemetery para maging pamilyar kami sa lugar "ma-at home" at magkaroon ideya sa aming hinaharap na gampanin. Ilang panahon na lang kasi ay madadalas kaming magkakaklase sa sementeryo para maglibing ng patay!

Malawak ang sementeyo na ito at napakamoderno. Iba ang pakiramdam kapag may nababasa ako sa lapida na kasing edad ko o mas bata sa akin. May mga pictures din sa lapida at iba magaganda pa. Saan na kaya sila. Tanong ko sa sarili ko.

Pero ang mas astig ay sa crematorium pinanuod namin kung paano ipinasok ang kabaong sa isang malaking oven. Kasama pala ang ataul sa cremation kaya ko bangkay lang. Pero pagkatapos ng icremate ang bangkay plus ataul ang natitira lang ay ang buto lang tao. Totoo pala ang kasabihang, "matigas ang buto." Kukunin ang naiwan buto at ilalagay sa isang parang maliit ng oven (bone crusher o bone reducer) para sa final processing. At presto tapos na ang cremation. Sarap kumain ng pizza pagkatapos.

Ipinakita din sa amin ang mga prothetics na hindi natunaw- turnilyo, pacemaker, knee cup at ibang pang metal na kinakabit sa pag-balian ka ng buto (naghahanap ako ng gintong ngipin pero wala akong nakita).

Marami pa akong kwento pero mag-aalas dose na ng hating-gabi....at medyo gumiginaw!

Monday, June 19, 2006

Ama

Happy Fathers' day to our fathers.

The following article is written by Patricia Evangelista. She talks about the greatness and simplicity of our fathers that we oftentimes take for granted.

********
MY father has learned how to write and send a text message with one hand. In college, after he told me he’d pass by me on the way home, I sent him a message that I was ready for pickup. He replied, in the space of two seconds.

“Yep-andito na me.”

When I was a kid, I was the classic nerd: hair in pigtails, glasses inches thick, unable to conduct a conversation that didn’t revolve around Archie comics or Nancy Drew. My Dad was my best friend. On the mornings before school, we’d be sitting on the living room table, him with his newspaper and a tiny plastic teacup in his hand, pinkie finger outstretched.

“More tea?” I’d ask politely.

He would nod, and I would pour him a cup of Kool-Aid grape juice.

read the whole article

*******

Jesus My Lord, My God, My All

Today is the feast day of the Body and Blood of Jesus also known as Corpus Christi Sunday. This song is an old traditional Catholic hym which expresses deepest sentiments, love, reverence and devotion to the Body of Christ really present in the most Blessed Sacrament.


Jesus, my Lord, my God, my all!
How can I love Thee as I ought?
And how revere this wondrous gift,
So far surpassing hope or thought?

Sweet Sacrament, we Thee adore!
Oh, make us love Thee more and more.
Oh, make us love Thee more and more.

Had I but Mary's sinless heart
With which to love Thee, dearest King,
Oh, with what ever fervent praise,
Thy goodness, Jesus, would I sing!

Thy Body, Soul and Godhead, all!
O mystery of love divine!
I cannot compass all I have,
For all Thou hast and art is mine!

Sound, then, His praises higher still,
And come, ye angels, to our aid;
For this is God, the very God
Who hath both men and angels made!

Saturday, June 17, 2006

Ok Fine

Totoo pala ang kumakalat na warning na hinuhuli ng Victoria Police ang mga cute sa Melbourne! At ako ang unang biktima. Sa unang pag-kakataon, in 21 years (plus 7) of my life- naks- ay naranasan ko din na maging center of attraction sa kalye. Kaya lang dahil sa isang traffic violation. Kakaiba pala ang pakiramdam kapag ginilidan ka ng police car na umiilaw-ilaw pa para pahintuin.
.

Nung isang gabi lang kausap ko ang isang kaibigan ko na may "connection" sa isang general sa Malacanang. Dalawang beses na daw siyang nahuli ng traffic enforcers sa Metro Manila pero dahil sa kanyang "connection" lagi siyang napapalusot. Galing!

Dahil sa kaba, ngayon ko lang naalala ang mga gusto kong sabihin sa pulis na humuli sa akin:
  1. Best friend ko nung elementary ang anak ng vice-mayor ng Pulilan.
  2. Kamag-anak namin ang dating governor ng Bulacan.
  3. Nabigyan ko ng recollection ang klase ng anak ng governor ngayon ng Bulacan.
  4. Dating PNP at black belter sa Aikido ang Ama ko.
  5. Assistant Medic Officer ako sa CMT nung highschool.
  6. At may kaibigan akong may kaibigan na general sa Malacanang.
Kaya lang late na. Pero di ko din masasabi iyon dahil hindi ko makakalimutan ang famous statement ni dating Pangulong Erap Estrada (na kaagad niyang kinontradict) sa kanyang inaugural speech: "walang kaibi-kaibigan, walang kama-kamaganak..."

Moral lesson: Ok fine. Mag-bayad ng fine.

Friday, June 16, 2006

Are You Single?*

Mula sa e-mail ng isang special friend:)


Naranasan mo na bang mahiwalay sa iyong mahal na kasama mo sa loob ng maraming taon? Sa taong inakala mo na makakasama mo na sa iyong buhay? Sa taong akala mo na pagmatanda kana ay nandiyan pa rin sa tabi mo? Mahirap ang mawalan ng kasintahan, maging ano mang paraan yan mahirap pa rin. Ilang taon kayo na nagpaikot-ikot sa mundo ng bawat isa. Nakilala mo na kanyang mga kaibigan, kamag-anak, kaibigan ng kamag-anak, kaaway ng kaibigan at siyempre ang kanyang pamilya. Tinuring mo na rin na sarili mong mga magulang ang magulang niya, at ganun din naman sya. Pinag-tiisan mo na ang kakulitan ng mga pamangkin nya na sa tuwing dadalaw ka eh ihahampas sa iyo ang hawak niya o di kaya naman ay sasabunutan ka. Pati nga ang mga alaga nilang pets ay close mo na.Ang mga officemates ninyo ay magkakakilala na rin. Magkaka YM, MSN or Friendster dahil friendly friends na rin. Eto pa ang matindi. Friends mo ang ex-girlfriends nya.

Kung ikaw ay nasa opisina. Hindi ka makapag trabaho, dahil nakikita mo sa monitor ng computer mo ang mukha nya. Pakiramdam mo ay nakikita mo nanaman ang inyong maliligayang araw. At tuwing pupunta sa rest room, haharap ka sa salamin, kakausapin mo sarili mo, pagmamasdan at tatanung kung ano pa ba ang kulang sa iyo at nagawa ka niyang ipagpalit sa iba. Nangingilid pa ang mga luha sa mata mo, mamumula ngayon ang ilong mo at di mo alam papaano babalik sa loob ng opisina dahil baka may makakita sa mga officemates mo. Lumilipad din ang isip mo pag nasa meetings ka. Isa pa, habang naglalakad ka, naaasiwa ka dahil wala ka ng kasamang naglalakad sa tabi mo na dati eh pa sway-sway pa ang inyong magkahawak na kamay. Feeling mo pa kawawa ka dahil walang nagbubuhat ng iyong mga gamit mo na mabibigat. Wala na ring humaharang sa tawiran parang siya ang magpasaga sa rumaragasang bus. Wala na ring sumusundo sa iyo pagkagaling sa opisina para mag diiner at mag movie. Wala ng babati ng “happy monthsary sweetie, I love you” Hindi ka rin makakain, makatulog, may taghiyawat ka pa sa noo dahil sa puyat. Pero ang 3 huling senyales na ito ay medyo lumang tugtugin na, kaya sana mag-isip ka ng ibang diskarte, yung kakaiba. Eto pa, pagdating mo sa bahay, uupo ka pa sa may tabi ng land line o pasulyap-sulyap sa mobile phone; titingin tingin at iniisip na pag nag ring ay ito ang iyong ex-boyfriend na nakikipag balikan sa iyo. Ang malala eh na feel mo na ba yung akala mo na ok kana pero bitter-bitteran ka pa pala? Naku, mahirap talaga yan. Pero importante ay harapin mo tunay na nararamdaman, pero sana naman ay bigyan mo ng katapusan. Huwag naman sana 3 taon ha. Hindi magandang idea na ilublob ang sarili sa mapait na sinapit, baka di kayanin ng vitamins ang drama mo.

Girl, tama na ang ganiyang sentimyento, medyo nakakaubos yan enerhiya eh. Simple lang, pag iniwan ka ng boyfriend mo, aba magpaganda ka, mag-isip ng mga makabuluhang bagay na dapat mong gawin. Aminin mo na kayo ay nag ikutan ng mundo dati; hindi na nga kayo lumalabas kasama ng mga kaibigan nyo. Tinigil mo na ang mga dati ninyo na ginagawan nung hindi pa kayo. Wala na kayong nakikita kung hindi ang bawat isa. Para bang bawat araw eh lumulutang sa alapaap sa kaligayahan. Naiisip na ito na nga ang lalaking pag aalayan ng iyong buhay. Pero teka, gising muna tayo ulit ha. Tulad ng sinasabi ko kanina, gumawa ng makabuluhang bagay. Mag-aral ng bagay na interesado ka at sa tingin mo ay magiging mabunga ka. Tawagan ang mga kaibigan na halos kinalimutan mo na. Makipagkuwentuhan sa pamilya mo at mag libre pag kumain kayo sa labas. Maging volunteer sa isang organization na may magandang layunin. O eh di ngayon, naiisip mo na madami ka pala dapat gawin. At dahil nakakarecover kana unti-unti, mas maganda na samahan mo ng pagpapatawad sa kanya. Kalimutan na ang mga masasakit at mapapait na palitan ng salita ninyo nung araw na naghiwalay kayo, magpapabigat ng dibdib mo yan sa tuwing ito ay aalalahanin mo pa. Isipin mo nalang na ikaw ay pinapatawad din ng Diyos sa iyong pagkakamali. Isipin mo na hindi kayo ang God’s will. Pero, patawarin din ang sarli ha, mahalag ito. Isipin mo na maraming nag mamahal sa iyo. Huwag kang selfish, move on! J

Teka, for the next step, ang isa sa mahirap sa lahat eh, paano mo sasabihin sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan na kayo ng break na. Diba nga, friendly friends na kayo. Naku, idolo pa naman nila kayo dahil kayo daw ay almost perfect (hehehe) May mga fans nga kayo kaya puwede kayong love team. Ayan siyempre, hindi mo puwedeng pagtagalin eh. Mahahalata lalu na ng mommy mo na malungkot ka. Ang boyfriend mo na lagging nandiyan ay nawawala na. Mag-iisip ka pa ng dahilan, kesyo busy, na assign sa project, may sakit at etc. Basta, iba-ibang version every weekend. Pero mukhang unti-unti kanang nagkakalakas ng loob gusto mo ng magtapat ng tunay na nangyari. Ang problema eh ayun tiyak magigiing affected sila syempre, dahil napamahal na sila sa ex-boyfriend mo. Akala nga nila, siya na mamanugangin nila. Normal lang yan, mauunawan din nila. Siyempre masakit iyon para sa kanila. Kaya pakita mo na okay na okay ka naman at wala silang dapat intindihin. (teka wag kang magpapanggap, dapat makumbinsi mo muna sarili mo kaya mo na nga magpakatatag)

Ngayon, ang haharapin mo naman ay ang iyong mga manliligaw. Ayan, dahil sa mundong ng Friendster, makikita na ng mga may HD sa iyo (hidden desire) na ikaw ay “Single” ang status. Ayan na, iisa-isa na silang nagpaparamdam. Simula sa may crush sa iyon nung elementary, hanggang sa nag papacute sa iyo nung highschool at dating manliligaw nung college. Mga kaibigan na nagtatapat ng damdamin. Mga nirereto ng mga kaibigan mo. Biglang may magtetext pa sa iyong ng “can you be my textmate” May manliligaw na makulit, yung halos araw-araw ba eh gusto eh magkita kayo. Mayroon naming, nakaka-bored, yung wala kayong mapag-usapan. Meron naming malakas ang dating. Feeling niya na siya na magiging next boyfriend mo. May torpe, ayaw umamin, puro pasaring lang. Meron din naman na iyong nagugustuhan na at gusto ka rin, pero ayaw ninyong umamin. Well syempre, medyo extra careful kana kasi sa pamimili. Ayam mo ng magkamali, sabi nga. Kaya ipagdasal mo na this time ang God’s will. Kung wala namang manliligaw, okay pa rin, just take your time. Huwag magmadali, darating ang tamang panahon.

Hay nako, masaya ang buhay ng isang single. Exciting dahil alam mo na nandiyan lang sya sa tabi-tabi at hinihintay ang tamang panahon na kayo ay pagtagpuin ng Diyos. O sya, alam mo na gagawin mo ha kung ikaw ay isang CSWU (Certified Single Woman & Un-attached)


*written by Pinky Marie (posted with permission)

Tuesday, June 13, 2006

World Cup 06 (update)

Ang oras ay 1:08am. Ang galing talaga ng Socceroos!!! Natalo ang Japan sa score na 3-1. Imagine kala namin matatalo ang Aussie team pero in four minutes nakapasok ng dalawang sunod na goals si Tim Cahill. Gusto ko naman talaga Australia ang manalo e. Yung Mitsubishi pen ko nung highschool pag nabagsak hindi na sumusulat saka light ang pagkaitim ng black ink; yung Hitachi tv namin dati mahinang sumagap ng channel 'yon at lagi pang umaakyat ang ama ko sa bubong para iadjust ang antenna; siyempre naman mas safe sumakay sa dyip kaysa sa trycicle at mas mura pa; yung laruan kong Voltes Five nginatngat na ng aso yun; siguro naman matanda na si Kimberly ngayon grade 5 lang ata nung kasikatan ng Bioman. Galing galing talaga ng Australia. Better luck next time Japan. Mabuhay ang Pilipinas!!! Ingat sa adik.

World Cup 06

Ang oras 11:03 pm. Naglalaban na ngayon live sa Germany ang Australian Soccer Team (Socceroos) at Japan (the best of Asia). Aakyat na ako at manunuod sa aming recreation room. Siguradong ako lang ang boto sa Japan kaya medyo silent mode lang ako. Magaling ang Japan dahil paborito kong ballpen nung highschool ay Mitsubishi, ang una naming tv ay Hitachi black & white, mas gustong kong sumakay sa Kawasaki kaysa sa dyip, may laruan akong Votes-Five, crush ko si Kimberly (Pink 5) sa Bioman. Happy Independence Day Pilipinas. Adik ako.

Thursday, June 08, 2006

I Hear My Name*

Di ko na mabilang kung ilang ang nagtanong sa akin kung bakit gusto kong magpari. Di ko na rin mabilang kung paano ako nahirapang sagutin sila. Siguro sa pamamagitan ng kantang ito ay maituturo kahit paano ang misteryosong hamon sa tawag ng bokasyon.


Lord, I walked one cold night,
and heard the wind call my name.
I closed my ears still I heard the call
of the wind from within.

Lord, I’m weak and small.
What can I do for You, my Lord?

I fear to be called,
to behold Jerusalem awaiting me.

Lord, I heard my name,
and in shame I turned away.


But I felt so cold to be far from my Lord,
to be far from you, my Lord.

Lord, I hear my name.
Now I go before You, my Lord.

If it is Your will, let it be, let it be.
Let it be what You will.


Let me do Your will.
Let me do Your will.

----


* Words by Fr. Manoling Francisco S.J.

Maraming salamat sa mga kaibigan kong masayang nagsiganap.

A Spirituality of Choice at the Level of Faith


It’s always pleasing to remember how my mother buys me things like hankies, shorts, jocks, socks and so forth. Now being far away from my loving mother, I have to buy myself those things and my other needs. Honestly I find shopping not only a financial burden but also I hate the hassle of spending significant time choosing and doubting what kind of stuff I really want to get. Maybe I am not just confident enough making my own decision as I often feel unsure about things I buy such as t-shirts, shoes, etc (I’m always unsure whether they suit me alright or not). However, if in the end I realised I got what I really wanted (after a long deliberation!) I would feel greatly rewarded for making such a good effort and wise decision.

Discernment is process of deliberation, weighing up things, choosing, selecting, etc. In spirituality, discernment simply means doing the will of God at the present moment. Discernment is that which St. Ignatius of Loyola focused his profound spirituality. After he was seriously wounded in a battle he spent the rest of his life seeking the divine will of God; he traveled places for retreats, he recorded his experiences—including his battle against the devil and he drafted his own spiritual retreat which is known as “The 30 Day Retreat.” His life was a pilgrimage in a labyrinth of seeking God’s will.

St. Ignatius’ advice is that every time we make important decisions we must first of all consult our consciences, take some time in prayers, and when necessary we have to delay our decisions. More importantly, according to him we must be vigilant and reflective about the presence of the ‘good and evil spirits’ in our everyday decision-making. Before it’s too late, we better start looking for the tail of the enemy hiding somewhere so we can avoid its trap. We need to defeat our enemy who exists only to oppose even the tiniest decisions we make everyday according to the will of God. As St. Ignatius has seen it, the devil “adopts new and subtler tactics in his effort to subvert the divine will in our lives.”

We want to be treated maturely di ba? We don’t want to hear litany of lectures telling us what to do and what not to do. Some people just hate it. What we want is freedom and autonomy so that we can show the world that we can take charge of ourselves alone—we can do what we want! We don’t want to be spoon-fed nor receive explicit instructions for every situation.

In fact, only if we realise how God wants to treat us as mature adults – he gave us freedom. Because he loves us he doesn’t want to deprive us the basic freedom which is a requirement of what true love is. Therefore, we must understand that God wants us to be responsible with our actions and every little decision we make, but most especially when it comes to moral decisions.

But for me, true freedom means capability to choose only what is good. True freedom only makes sense when one has the ability to recognize and reject whatever is evil. Freedom doesn’t mean we can perform anything we want to do even it may harm to us or our neighbors. That’s why personally, if will be given a choice, I’d prefer to be that little boy whom my mother would buy things he needs. I know it’s immature, but at least I am confident and because I trust wholeheartedly my mother. I know that whatever things she gives me would always be for my benefit and an expression of her love. I would be happily contented to be such a passive recipient of her maternal care and love. There’s no need to worry about making wrong decisions. She is there for me.

Ah, my Lord, how I long to surrender my entire freedom to you – if you can take away my liberty please do so – so that I can please you alone because you so good to me. Take everything I own and everything I hope for. There are many things I want that I know you will not approve so I would like to give you my choice, my desire, my personal happiness, my longing, even my weakness – I am yours. I’d like to imitate your total self-dedication to will of your Father.

As I battle against my own self and the temptations of the world, and help me, help us all your children, help us to choose only what is according to your divine Will. Amen.

5:18 pm
Baillieu Library

Melbourne University

Monday, June 05, 2006

MYMP

Matapos bigyan ng karangalan ang Pilipinas sa matagumpay na pag-akyat ni Leo Oracion at mga kasama sa Mt. Everest – ang pinakamataas sa buong mundo – ay muli nating ipinaalam sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay di basta-basta. Ang galing talaga natin!

Pero hindi naman talaga kailangang gumawa ng malalaking bagay para tayo maging dakila at sumikat sa mata ng ibang tao. Ngunit nakakabuti din naman na ipaalam sa madla ang galing nating mga Pinoy. Hindi dahil sa gusto nating sumikat ngunit alang-alang sa ating sa sarili – upang mas mahalin at ipagmalaki natin ang bawat isa at ang ating mga sarili bilang lahing Pilipino. Siguro kaya mahilig tayo sa mga bagay na ‘imported’ ay dahil kulang tayo sa pag-papahalaga at pagmamahal sa kung sino tayo, ano ang kaya nating gawin at kung anong meron tayo.

Di maikakaila na maraming Pilipino mula sa iba’t-ibang larangan ang hinahangaan sa iba’t-ibang bansa. Marami man sa kanila ay ‘di nadadaanan ng camera o nalalathala sa diyaryo. Gayupaman ikinararangal tayo ng ibang lahi dahil sa kakaiba nating karisma o dating na wala sa iba:

Tulad na lang ng kaibigan ko na kinagigiliwan ng kanyang mga co-workers dahil sa kanyang magaling na pakikisama, masayang pag-aasikaso sa panauhin (sa isang international hotel and appartment services siya) at ang kanyang matamis na ngiting makikita lamang sa isang Pilipina.

Mula po sa bayan ng Baliuag, Bulacan….


Tulad na lang din ng isa pang kaibigan ko na nalathala ang kanyang larawan sa information magazine ng Faculty of Education ng Monash University dito sa Melbourne. Hindi ba’t mahalaga sa ating mga Pilipino ang edukasyon? Para sa akin ay ini-represent niya ang “Pinoy values” na nag-nanais magkamit ng antas at yaman ng edukasyon.

Mula po sa lungsod ng Kamuning, Quezon City…



At siyempre, di papatalo ang isang astig na ito. Kakaiba talaga ang Pinoy pagdating sa pagpupunyagi – ano mang hirap ang daanan – gusto nating magtagumpay lalo na kapag “habulang sako” ang labanan. Sige talon pa Pinoy, talon!

Mula po sa bayan ng Pulilan, Bulacan…




Make Your Momma Proud! Para sa Inang Bayan.



(Mga nag-siganap
Rocel, Patricia at Joel)