Tuesday, August 30, 2005

A Short Tribute to Ms. Cyril

Mula nang mabasa ko ang blogs entry niya tungkol sa kanyang Mommy naging regular na akong tagabasa ng kanyang blogs, almost six months na pala yun!

Very fluent siyang magsulat sa Filipino at English. Mabilis siyang mag-isip. Malalim mag-critic. Very articulate at very entertaining kung siya ay mag-kwento. Consistent ang kanyang grammar. Matapang at may conviction ang kanyang pananaw. Cute ang kanyang sense of humor. Hanga ako sa kanya dahil ito ang mga qualities na wala ako.

Parang kilalang-kilala ko na siya kahit di ko pa naman siya namemeet. Nasundan ko ang pag-graduate niya sa UP, pag-apply at pagkatanggap sa kanya sa Inquirer, pagsakay niya sa MRT at taxi, kanyang pananaw sa politics, kanyang love life, ang buhay sa Maynila, ang buhay ng mga ordinaryo at di-ordinaryong Pilipino, at kung anu-ano pa.

Last Saturday, di ko inaasahan na mapapaginipan ko siya, sa unang pagkakataon nameet ko siya ng 'personal'. Nakakatuwa.

Hindi ko sana isusulat ang entry na ito kung di ko lang nabasa ang latest entry niya. 'Di ko alam na paborito din pala niya ang kantang "Anima Christi." (I always say this prayer after Mass or after receiving the Holy Communion.)
Soul of Christ, sanctify meBody of Christ, save me Water from the side of Christ, wash mePassion of Christ, give me strength Hear me, Jesus Hide me in thy wounds that I may never leave thy side From all the evil that surrounds me, defend me And when the call of death arrives, bid me come to thee That I may praise thee with thy saints, foreverHear me, Jesus Hide me in thy wounds that I may never leave thy side From all the evil that surrounds me, defend me And when the call of death arrives, bid me come to thee That I may praise thee with thy saints, forever.



Mabuhay ka Cyril!

2 comments:

meganyoung said...

huwow. i am flattered that you have taken such an interest...

thank you for the touching "tribute" (which i really do not think i deserve) and for reading my blog

=)

bow.

John Joel said...

100 percent positive that you duly deserve my tribute. Sensya na simple lang ang nakayanan...

:)