Thursday, September 01, 2005

Wowowie

Naka-sama ako sa snow trip ng mga Pilipino kamakailan lang. Kasing saya nang paglublob sa ginadgad na yelo ang manuod ng tape recorded ng Wowowie sa bus nuong pauwi na kami. Di ko makalimutan yung isang host na babae. Punong-punong-punong-puno siya ng energy.

Ang mga constestants nuong episode na yon ay mga babaeng buntis ng walong buwan. Walong buntis na mga nasa early twenties ang napili mula sa mahigit 500 buntis na nagpunta sa studio. Nagpagalingan sa pag-uunahan sa pag-pindot ng buzzer at pagsagot ng tama ang walong-hindi-na-hindi-medyo-buntis. Isa lang ang misyon ng bawat isa: ang manalo at makuha ang perang jackpot prize upang makaahon sa kahirapan.

Sa kabila ng kasiyahan, bakas na bakas ang lamlam ng katotohan. Ininterview muna kasi sila. Kinumusta ni Willie (host) ang kanilang mga asawa at tinanong kung anu-ano ang trabaho nila.

Buntis A: Iniwan siya ng tatay ng kanyang ipinag-bubuntis at sumama sa ibang babae.
Buntis B, C, D, E, F & G: Walang trabaho ang asawa.
Buntis H: Tricycle driver ang asawa. Ok na sana. Kaso, pang-pito na ang kanyang ipinagbubuntis!

Kumusta naman kaya ang 500 buntis na di natanggap?

Nakakalungkot..

Mga bosing (kahit bilang ko lang ang nakakakabasa nito), igalang naman natin ang babae. Maging responsable naman sana tayo. I-angat natin sila. Hindi lang sila tao, tulad ng mga nanay natin, babae sila.

No comments: