"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa..."
Itong kanta na ito ay madalas kinakanta sa patay o kaya sa lamay ng patay o parasal sa patay. Kaya naman pag naalala ko kahit tune lang nito e medyo nakakalungkot ang dating. Pero may isang occassion na very appropriate ang religious song na ito.
Hindi lang pang-funeral gig ang "Pananagutan". Last Sunday ko lang ito uli naalala habang nasa mahabang pila ako sa buffet lunch sa John Vianney Seminary sa Waga-Waga. Bandang 10 ng umaga mahigit 100 katao kami na dahan-dahang umuusad patungo sa long table kung saan nakahain ang napakaraming fried eggs, sausages, toast breads, sliced tomatoes at baked beans. Weird, lunch na ito dito kahit alang kanin. Pero ang mas nakakatakot e pare-pareho kaming mga seminarista at mas mas nakakatakot -- lahat kami gutom.
Automatic. Bumalik agad ang masayang-ala-ala-ng-mga-kaklase-ko-sa-Immaculate-Conception-Major-Seminary-sa-Bulacan. Sa ganitong sitwasyon kasi pag nasa harap kami hapag kainan (lalo na pag walang pari), napakahalaga ang alertness at bilis ng kamay sa pag kuha ng food. Survival of the featest! Kung helpless ka na dahil sa may mga naunang dayukdok sa pagkain, para kaming UP Madrigal Choir na sabay sabay sa pag-awit: "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sarili lamang."
Iba pa rin ang buhay sa seminaryo sa Pinas. Nakakamiss din pala ang mga kapwa ko dayukdok-- sina Alvin Reyes, Joel Sioson, Pip Silverio, Rafa, Shed, Lando, Fr. Ateng, Indo, Carlo, Gerry, Fr. Sonny, Tonyo, Fr. Badong, Nante, Patrick, atbp (halos lahat yata e).
Nakakamiss kumain ng sama-sama sa isang malaking palanggana sa hating gabi o kumain ng ice cream nang nakakamay, mandukot ng pagkain ng mga pari sa refectory at...oopss, baka mabasa ito ni Msgr. Angel at Fr. Willy! *Lingon lingon*
Tuesday, August 02, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment