Dalawang taon na pala ang lumipas nang isulat ko ito para sa mga ka-batch ko, kaya lang, hanggang ngayon e marami sa kanila ang hindi pa nakabasa nito.
Minsan kaming nangarap mag-karoon ng highschool reunion upang magkasama-samang muli at para patunayan sa isa-isa’t na hindi kailanman makakalimutan ang aming pagkakaibigan nuong high-school.
Oo, natuloy ang reunion namin nuong 23 December 2004. Naalala ko pa ang laging kinakanta dati ni kuya Bodgie sa Batibot: “Nag-katotoo ang naisip ko. Nag-katotoo ang naisip ko. Nag-katotoo ang naisip ko. Nag-katotoo, ang naisip ko.”
Tiyak mauulit itong muli. Malamang December 2006 o January 2007.
Sana.
St. Dominic happy feast day po! Pray for us.
August 8, 2003
Kapistahan ni___?
4:45pm Friday
Sigurado akong natatadaan mo ang Santo ito na ipinanganak sa Calaruega, Spain noong 1770. Ang Santo ay tinuturing na bayani ng Simbahang Katoliko dahil sa kanilang natatanging buhay kabanalan, pananampalataya at pagmamamahal kay Jesus; sila ang patron ng ating buhay Kristiyano na dahil sa kanilang ginawang halimbawa ay nagdulot sa maraming tao na tumalima sa pagmamahal ng Diyos at sa kapwa. Ang Santong tinutukoy ko ngayon ay nag-tapos ng teolohiya sa Palencia at naging canon sa Cathedral ng Osma. Kilala siya sa pagtatanggol ng pananamapalataya ng Simbahan laban sa mapanirang Albigensian heresy o isang doctrina na taliwas sa turo ng Simbahan. Dahil sa kanyang mga turo, halimbawa at kabutihan marami siyang naging taga-sunod na maglingkod sa Diyos na palaganapin sa lahat ng mga bansa ang Mabuting Balita. Tinawag ang kanilang samahan na Order of Preachers. Sina St. Thomas Aquinas, St. Albert the Great, St. Catherine of Siena ay ilan lamang sa mga dakilang bayani ng pananampalataya na naimpluwensiyahan ng ating kaibigang Santo na ipinagdiriwang ngayon.
Nakakalulungkot nga lang dahil may mga kapatid tayong mga Kristyano na hindi binibigyan ng halaga at karangalan ang mga bayani ng Simbahan. Namimis-interpret kasi nila na pag nagdadasal tayo sa Santo o imahe ay sinasamba daw natin sila. Di nila alam na ang mga Santo ay “contact” natin sa itaas dahil kasama na nila si Jesus sa langit. Sila ang modelo ng Kristiyanismo upang tayo ay bumait din at makasunod sa tawag ng Diyos. Kumbaga sa ating kasaysayan, si Ninoy Aquino ang siyang nagbigay inspirasyon at nagpaigting sa maraming Pilipino na labanan ang dictatorship ni Marcos. (Patalastas: Ang beatification nga pala ni Mother Teresa of Calcutta ay sa October 19, magiging isang Blessed na siya, first step niya ito to sainthood. Marami na kasing reports na miracle dahil sa kanyang intercession. Okay lang kasi nuong buhay pa naman siya ay itinuturing na siyang “the living saint of modern time”.)
Medyo nalalayo yata tayo. At parang inaantok ka na. Oo nga pala, ang mga Order of Preachers na kilala sa tawag na Domicans ay nagtayo ng malalaking eskwelahan at unibersidad sa iba’t ibang panig ng mundo para sa edukasyon ng mga kabataan at higit sa lahat para ihatid ang Kristiyanong pananampalataya. Mapalad ako’t nakapagtapos ako sa isa sa kanilang paaralan dito sa Pilipinas—kabatch nga kita eh.
Ano kilala mo na ba ang tinutukoy ko? Nakalimutan mo na yata siya mula ng grumadweyt tayo? Siguradong matatandaan mo siya kung ipadidinig ko ito sa iyo: “attention jailers, attention jailers, arrest those people who are not in the path way” o kaya’y, “attention jailers, attention jailers arrest those people who are not dancing.” Pag narinig mo ito at kung wala ka sa path way o kung hindi mo ginagawa ang sibasabing instruction, nako siguradong maghahabulan kayo ng mga CAT Officers, ikukulong ka sa isang classroom at magbabayad ka o kaya ay mag-aantay ka sa tutubos sa iyo ng dalawang Piso para sa iyong kalayan (matapos kang hikain sa katatakbo at kaba). Kikiligin ka naman pag narinig mo sa buong campus ang pangalan ng crush mo matapos mo siyang ipa-greet kay Mr. DJ… “this next song is specially dedicated for Miss__ of II-St. Lorenzo Ruiz from your secret admirer in IV-St. Thomas” (at kikiligin naman ang lahat kapag pinatugtog ni Mr. DJ ang “Endless Love”, “The Actor”, “Will I Survive” o “You Where There”).
Mayamaya’y magugulat ka na lang habang naglalakad ka biglang may dalawa o tatlong taong kakapit sa iyong kamay, pipiringan ng isa ang iyong mga mata habang nararamdaman mo na dinadala ka nila sa isang lugar na hindi mo alam (kaba). Ala kang makita ngunit naririnig mo na paparami ng paparami ang students at mga uzi na nagkakatuwaan sa paligid ninyo. Alam mo nang “na-marriage booth” ka. Lagot. Pero swerte mo pag dilat mo ay siya pala ang crush mo o kaya maganda o gwapo ang ikinasal sa iyo. Siyempre di ka magpapahalata na gustong-gusto mo naman. Subalit malas mo naman kung yung di mo type at hindi kaya-aya ang ikinasal sa iyo tulad ng nangyari sa akin! Asar ka kung sino man ang may pakana nuon. Grabe.
Naalala mo na ba kung bakit natin ginagawa ang mga bagay na iyon at ano ang kaugnayan nito sa ating banal na kaibigan na ipinagdiriwang natin ngayon? Teka, ito medyo kakaiba, siguro ay nabiktima ka rin nito, isipin mo wala kang kamalay-malay na naglalakad sa campus tapos ay bigla na lang may magba-vandal na kiss mark sa braso mo, sa kamay, sa noo o sa pisngi mo dahil natapak ang paa mo sa isang markang bilog sa lupa na pag-aari pala ng isang school club. Dahil tresspassing ka sa kanila kailangang magbayad ka ng 2 piso! Pwedeng business ito.
Pero hindi siyempre papatalo sa creativity ang gimik ng mga KOA o Knights of the Altar, sila ang mga mukhang anghel na sakristan under the supervision of Ma’am Tagalag (proudly to say I was a member). Natatandaan mo ba ang mahabang pila ng mga estudyante sa may Mother Ignacia building? May mga nagtutulakan at nagsisigawan lalu na yung mga girls at freshmen na nanginginig sa takot, ang iba naman ay magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman habang inaantay ang group nila na makapasok sa Horror Booth. (Ito secret: isang natatanging ala-ala sa loob ng Horror Booth na ito ang siyang aking naging kasa-kasama saan man ako mag-punta lumipas man ang maraming taon at darating pang panahon. Dahil sa loob ng Horror Booth na ito ko unang naramdaman na pwede pala akong ma-love at first sight. [Senti]. Kung pumasok ka sa Horror Booth namin sigurado kong kilala mo na ang tinutukoy ko, siya ang gumanap na white lady; maganda kasi siya at mahaba ang buhok. Ako naman ay napili na maging isa sa mga aswang hindi ko alam kung bakit.)
Masaya ang lahat dahil walang pasok. Nagkapaligid sa ground ang maraming booths na kulay pula na sponsor ng Coke o Pop Cola. Naglalaban ng basketball ang mga varsity teams ng bawat year levels sa ilalim ng galit na galit na haring araw sa katanghalian tapat. Sa kabilang dako naman sa tabi ng malaking punong mangga at sa tapat ng canteen maliliksing (may malalata din) naglalaro ang volleyball players na pambato ng freshman, sophomore, junior at senior. Sigawan ang mga students at mga teachers lalo na pag magagaling at malalakas mag-spike ang mga players. Kaya lang minsan dahil siguro sa kaba o pressure napapalakas ang service na walang direksyon. Nayayanig at napapagewang tuloy ang nag-iisa nating pizza stand tuwing ito’y tatamaan. Buti na lang at may gasul sa ilalim na nagsilsilbing pabigat nito. Para sa akin at sa ilang kaibigan ko, walang epekto sa amin kung tumumba man o hindi ang tindahan ng pizza, kasi pang butsi, pichi-pichi, sopas o ginatan lang ang kaya ng baon ko. Subalit minsan may araw na lumalabas din ang pagka-sosi ko; bumibili ako ng Pop Cola matching with Pasalubong cup cake (yabang—feeling sikat ka na nun!). Minsan lang iyon!
Masarap maala-ala ang mga panahon na iyon. Lalo na kung araw ng kapistahan ng Patron nating ito. Didiscribe ko muna ang looks niya. Una, shaggy ang buhok niya (shaggy-lid lang may buhok hehe), nuong unang panahon kasi kinakatkat ng ilang mga Kristyano ang buhok nila bilang sacrifice. Ikalawa, nakasuot siya ng cream at black na habit. At ikatlo, kung natatandaan mo ang rebulto niya sa gawing kanan ng stage, katabi ng flagpole, sa tapat ng registrar’s office, may kasama siyang aso na may kagat-kagat na sulo na may apoy. (Akala ko dati kaya alagang aso ng mga madre yun) Ayon daw kasi sa kwento, bago daw isilang ang saint of the day natin ay nanaginip ang nanay niya na ang ipinagdadalangtao daw niya ay hindi tao kundi isang aso na may kagat-kagat na sulo. At nakita ng nanay na ito ang pamahiin na parang susunugin ni doggy ang buong daigdig. (Katakot naman mukhang bangungot yata iyon at hindi panaginip). Buti na lang at hindi inatake sa puso si nanay. Isa pa, nuong binyagan daw siya, ay may nakita naman ang ninang niya na isang nagniningning na star sa nuo niya. Lumipas ang panahon at napagtanto na ang sulo na kagat ng aso (di ko alam kung askal o poodle) at ang liwanag sa nuo niya ay simbolo pala ng kaniyang magiging misyon sa buhay. Tulad ng nabanggit ko sa simula, namuhay siya ng tagasunod ni Jesus; itinuro niya sa mga tao ang lahat ng aral ng Panginoon sa Ebanghelyo. Ang tanging naging hangad ng friend natin ay pag-alabin o maging “on fire” ang bawat puso ng mga tao sa pag-mamahal sa Diyos. Sa wikang Ingles: “This he did by preaching the gospel message, thereby shedding the light of Christ’s teaching in a world darkened by heresy and evil.” Ah, kaya pala may apoy at maningning na star. Magsalamin ka mamaya baka ikaw may star din! Hehe.
Ngayong nadiscribe ko na ang the looks niya at sigurado akong alam mo na kung sino ang tinutukoy ko. Kung ang sagot mo ay si San Isidro Labrador, congratulations! Umuwi ka na at magtanim ng kamote sa bakuran ninyo. Kung si San Lorenzo naman ang sagot mo ulitin mo ang pagtatanim ng kamote. (Biro lang) Kung ang sagot mo ay si St. Dominic Academy, este St. Dominic de Guzman pala. Congrats! Tama ka. Namatay St, Dominc nuong 6 Agosto 1221 sa Bologna ngunit hindi ang kanyang nasimulang adhikain, kahit di man natin naiisip at namamalayan kasama natin siya kahit ngayon dahil graduate tayo sa school niya di ba? Mamaya, bakit hindi mo subukan na magdasal at humingi ng assistance sa kanya ng libre, di ba Dominicans tayo? Paki-tanong na rin tuloy kung ano ang ibig sabihin ng Laudare, Benidicere at Praedicare na nakasulat sa ilalim ng Veritas (iyung patch sa uniform natin at nasa ID din natin). Hindi ko ito nasagot nuong itanong sa quiz nuong first year tayo.
Oo, feast din day ngayon ni St. Dominic, ang kulit-kulit ko kanina pa. Sa isip ko ay kanina pa ko naririnig ang kantang:
Amang Santo Domingo ng kabanal-banalan,
ilaw ka ng sandaigdigan ipinagdiriwang,
Iyong kadakilaan halimbawa ng buhay
Puspos ka ng Poong Diyos,
Gabay nati’t tanglaw
Magalak tayong lahat,
O Santa Iglesya,
Siya’y ipinagdiriwang sa langit at lupa…(nakalimutan ko na ang kasunod)
Isa pang kinakanta natin pag feast day niya ay pa-rap dahil para kang nakikipaghabulan sa madre sa bilis.
Chorus:
Dominic O Dominic
over the land and floods along
and sing a little song
Never looking for rewards
He just talks about the Lord
He just talks about the Lord
Verse:
Grant us now….(nakalimutan ko na pero pa-rap ang verse na ito)
Maraming taon na ang lumipas ng huli natin itong kantahin na sabay sabay tayo sa school. Sa tagal ay nakalimutan ko na ang lyrics. Tulad ng mga ala-ala ko sa high-school, unti-unting lumalabo ang bawat detalye kasama ang mga masasayang nagdaan. May mga pagkakataon na maaalala ko lang pag kinukwento sa akin ng ibang classmate ko. Karaniwan sasabihin nila ”natatandaan mo ba dati nung highschool tayo nang…?” Mahabang kwento kung iisa-isahin ko ang memories ko sa St. Dominic Academy halimbawa: si Sir Llanita (“tatag naman,” sabay kibit balikat), M’ Laniog (“isinga mo!sige..sige”, “wala kang care and concern”, “ano ang iyong bagong kaisipan at bagong karanasan?”), ang Talisay, ang CR, ang punong Mangga, ang Bible Service tuwing Lunes umaga, announcement of the cleanest classroom, katoperhan sa harap ng iyong crush, tuksuhan, selosan, halo-halo sa Ka Elvie, Bambi’s, tagyawat, chin-chun su, pulbos at Good Morning towel, mga proffessional doctors tuwing checkan ng test papers, uniforms kong naninilaw (na laba sa poso), at marami marami pang iba.
Ilan taon na ba ang lumipas? Minsan ba ay nagbabalik tanaw ka din tulad ko? O masyado na tayong busy sa ating career, sa office, sa ating trabaho o sa walang katapusang paghahanap ng trabaho? Siguro ay bising-busy ka sa iyong pamilya, diyata’t kay sarap isipin na may anak ka na pala ngayon o kung di naman ay nagpaplano ka’t nanalangin na magtaguyod ng isang simple at masayang tahanan. O kaya’y busy ka at tila wala ka nang paki-alam sa mundo maliban sa pag-ibig na iyong natagpuan sa iyong boyfriend o girlfriend. O siguro, ikaw din ay tipo ng tao na minsan o kadalasan, pakiramdam mo ay walang katiyakan ang iyong patutunguhan, mukhang malabo ang kinabukasan, napapagod ng mag-isip, nakakaiyak, nakakatakot…mahirap pala ang buhay. Simple lang ang buhay sa high-school.
Nagtatanong ka bakit sila successful at ako ganito pa rin? Nasaan ka man ngayon, at kung ano man ang iyong ginagawa, minsan kailangan nating lumingon upang makita natin ng mas malinaw ang ating patutunguhan, at mahalin kung ano man, at kung ano ang meron tayo ngayon. Kung tama ba o nakabubuti sa atin ang ating ginawa. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko tingnan mo na lang ito at paki-hanap ang iyong pangalan:
ST. DOMINIC ACADEMY
Pulilan, Bulacan
VI- ST. DOMINIC
School Year 1993-94
Mrs. Theresa Enriquez
BOYS
Acuña, Edgardo Jr. G.
Catriz, Renato S. II
Cristobal, Raymond C.
Cruz, Dante C.
Cueto, Michael J.
dela Cruz, Arnold C.
delos Santos, William A.
Diam, Ricky E.
Diaz, Marxc S.
Enriquez, Roehl C.
Galia, Armando D.
Garcia, Pol Mark A.
Gatuz, Rodel O.
Javillonar, Jaybee I.
Mag-isa, Luciano A.
Martinez, Eugene M.
Morales, Chester B.
Ocampo, Opher John F.
Ongsico, Rex P.
Palomares, Adrian O.
Santos, Alex D.
Santos, Odra Noel E.
Santos, Ronaldo T.
Siapco, Jason J.
Vergara, John Joel E.
Summary: Boys- 25
Girls - 31
Total - 56
GIRLS
Aquino, Angelina M.
Arcega, Consuelo M.
Barcelona, Carina S.
Bernardo, Janelle J.
Buñing, Susan M.
Cruz, Cybelle M.
Cruz, Elenita M.
de Guzman, Nancy M.
delos Santos, Basilisa C.
Dionisio, Maricris S.P.
Duncil, Marciana C.
Gonzales, Racquel S.
Ignacio, Adeliza D.
Joaquin, Evelyn B.
Legaspi, Lady Jennifer M.
Mag-isa, Ma. Monette E.
Navarro, Eilleen Gay F.
Pagtalunan, Olive C.
Pangilinan, Sherill S.
Pascual, Jocelyn T.
Peralta, Ma. Chona V.
Ramos, Maylyn S.
Reyes, Jocelyn V.
Reyes, Maricel A.
Rivo, Susana G.
Salas, Niña Ritzie Q.
Samson, Glory-Vi C.
Santos, Judith G.
Santos, Rachell Z.
Soriaga, Sherryl C.
Yu, Kathyryn S.
VI- ST. ALBERT
Miss. Socorro Laniog
BOYS
Angulo, Marvin M.
Baliton, Conrado Glenn P.
Bate, Francisco I.
Carangan, Ranel A.
Cruz, Bonifacio Jr. D.
Cruz, Francisco Jr. J.
Cruz, Manolito C.
Cruz, Norman C.
Cruz, Pee Jay V.
Cueto, Marvin J.
de Guzman, Reynaldo Jr. C.
dela Cruz, Rogelio S.
Esguerra, Efren S.
Espino, John Rex A.
Gonzales, Sherwin C.
Joson, Joselito C.
Leonardo, Fidel II F.
Lopez, Crisanto m.
Marcos, Ronald, C.
+Mateo, Joel G. (RIP)
Mayuyo, Rodel U.
Mendoza, Chris Reyson R.
Roxas, Noelito A.
Soyangco, Shervy Paul R.
GIRLS
Aguinaldo, Daisy L.
Alvarez, Jennifer B.
Arceo, Jocelyn M.
Caldreon, Lorna G.
Castro, Jane N.
Clemente, Amelia M.
Cordero, Lovely M.
Cruz, Rizza C.
Cruz, Rosemela B.
Domacian, Angelica A.
Esguerra, Ligaya A.
Francisco, Marivic E,
Fuentes, Josephine M.
Gonzales, Marie Rose L.
Hilario, Nedelyn S.
Leonardo, Jayvie B.
Magtalas, Lourdes R.
Manapat, Esperanza S.A.
Manapat, Ma. Theresa B.
Mendoza, Christina, L.
Quijano, Jennifer V.
Reyes, Ma. Jzha D.
Reyes, Norvil A.
Rueda Ma. Milagros T.
Santos, Evelyn C.
Soriaga, Eloisa B.
Tagalag, Maricar S.
Torres, Edna G.
Summary: Boys- 24
Girls - 28
Total - 52
VI – ST. MARTIN
Mrs. Filomena Garcia
BOYS
Abillon, Jonathan M.
Angeles, Oliver N.
Arceo, Nelson S.
Baldevia, Andres C.
Calderon, Agustin Jr. C.
Candelaria, Enrico C.
Cruz, Michael E.
Domingo, Roentjen I.
Esguerra, Aristeo A.
Espino, Efren A.
Hipolito, Abiel C.
Ignacio, Benigno Jr. I.
Isidro, Rodger B.
Leonida, Joseph E.
Marasigan, Derick B.
Mercado, Willie S.
Obcena, Mark S.
Parba, Roberto C.
Rivero, Rio Nemesis B.
Santos, Santos L.
Sulit, Ponciano Jr. S.
Villanueva, Jason B.
Santos, Rico N.
Summary: Boys- 23
Girls - 30
Total - 53
GIRLS
Ambulencia, Solita C.
Batongbacal, Elsa N.
Castro, Cecille L.
Cruz, Ellyn G.
de Lara, Jenny Rose C.
Diaz, Suzette A.
Espiritu, Dinia G.
Esquierdo, Annalyn C.
Garcia, Rita A.
Hipolito, Karen P.
Lebarda, Renee Rose C.
Laderas, Ronalie C.
Lina, Lorenza S.P.
Macaraeg, Analiza G.
Mag-isa, Rufina J.
Mañego, Marichel P.
Maravillo, Ma.Vivian R.
Monares, Ma. Pilar L.
Paraiso, Liwayway P.
Pascual, Salud l.
Payumo, Ana Shella L.
Peralta, Lerelynne C.
Reyes, Trinidad V.
Riveza, Maricris E.
Roque, Noemi E.
San Mateo, Ma. Bammy A.
Tayao, Fortunata E.
Tayao, Maribel G.
Torres, Loreta H.
Sison, Grace
VI – ST. THOMAS
Miss. Cecilia Santos
BOYS
Apostol, Romano A.
Barcelona, Joseph Elmer S.
Cruz, Reden R.
Cruz, Richard S.
Cuizon, Jefferson B.
Cunanan, Chester E.
Dalangin, Marlon E.
Espiritu, Joselino R.
Gabriel, Elmerson C.
Gingco, Hermogenes Jr. B.
Ingal, Robert S.
Malabon, Romeo Jr. B.
Marquez, Ronaldo R.
Mazon, Mark Christ A.
Mendoza, Ian Leo V.
Plamenco, Noel B.
Ramos, Alberto T.
Sanvictores, Nomer J.
Sebastian, Sherwin A.
Tayao, Bernard C.
Povera, Jessie M.
Villanueva, Rowel A.
Summary: Boys- 22
Girls - 30
Total – 52
GIRLS
Abillon, Lorelie C.
Acuña, Virginia C.
Agustin, Evangeline D.
Arceo, Myla H.
Bailon, Pilar C.
Bernardino, Mylene O.
Bernardo, Sherryl S.
Colinayo, Anabelle D.
Damiar, Christina M.
Dimaapi, Rhodora S.
Espiritu, Corazon R.
Espiritu, Felicitas P.
Lim, Alelie V.
Magdato, Norlie E.
Mag-isa, Lariza I.
Mañego, Lennie D.
Mendoza, Jenelita J.
Pascual, Carina H.
Peralta, Marissa T.
Peralta, Mildred H.
Rivera, Maybel N.
San Pedro, Agnes C.
Santiago, Ma. Teresa M.
Santos, Karen Grace M.
Santos, Leslie A.
Santos, Magdalena J.
Santos, Rhodora C.
Tacmo, Ma. Dona D.
Victoria, Jocelyn S.
30. Villanueva, Marife L.
SISTER MA. ELENA DIRA, O.P.
School Head/Principal
Source: Miss. Laniog’s Class Record
SISTER MA. ELENA DIRA, O.P.
School Head/Principal
Source: Miss. Laniog’s Class Record
Parang huminto ang takbo ng oras habang tinitingan ko ang pangalan ng bawat isa. May mga tao na ngayon ko lang muling naalala’t naisip matapos kong mabasa ang pangalan nila. Pero karamihan sa kanila ay kilang-kilala ko, subalit nakakalungkot isipin na ilan ay hindi ko na maalala kung sino (ala kasi dito ang yearbook ko). Isipin mo, bawat isang pangalan ng mga estudyanteng ito ay may kanya-kanyang kwento ng buhay, bawat isa sa mga estudyanteng ito (kaibilang ako) ay may mga magulang, lolo at lola, tito o tita na gumapang, nangutang, at sumuporta upang makatapos tayo ng pag-aaral at makarating saan man tayo naruruon ngayon.
Isipin mo na lang ang mga teachers, advisers, guard, madre, pari, classmates, hardinero, tindera, tagaluto, jeepney at tricycle drivers na dumaan sa buhay natin bilang estudyante upang tayo ay matuto, malaman ang tama at mali, mag-mahal sa kapwa at sa Diyos. Nakalimutan ko na sila dati salamat at ay naalala ko na silang muli-- naalala kong muli ang lahat ng biyaya na aking tinanggap mula sa Diyos. Naalala kong muli na ako dati ay nanalangin, nag-rorosary tuwing umaga, nagnonobena sa Our Lady of Perpetual Help tuwing Miyerkoles, nagdarasal pag may test, long quiz o magrereport sa klase, nagsisimba tuwing Linggo (uulitin ko tuwing Linggo) at piyestang pangilin. Naalala kong naniniwala pala ako sa Diyos at kasa-kasama ko Siya sa aking pag-usad at pagtataya, sa lungkot at ginhawa sa buhay na ito.
Naalala kong minsan ay nakasama natin si Joel Mateo, isang masigla, malakas na basketball player, laging nakatawa, pala-kaibigan at Ex-O sa CAT. Di man natin siya makikita pang muli ay ipina-aalala niya na ang patutunguhan niya ay patutungan din natin. Nawa’y kapiling na niya ngayon ang mga banal na Santo sa langit, sa piling ng Mahal na Ina, ng mga Anghel at ang ating Ama sa Langit.
At naalala ko na kaya pala ako nag-email sa inyo ay para itanong kung gusto ninyong mag-karoon ng Batch 1994 Reunion next year 2004. TEN YEARS na next year after our graduation!!! Siguro ay mas okay sa lahat kung December natin gaganapin. December 26, 2004, Sunday iyon (birthday ni Niña Ritzie Q. Salas). Ayan may date na tayo kulang na lang ay venue, organizers, pag-kain, programs at ang “OO” ninyo.
Kung alam ninyo ang email address ng mga taong nabanggit sa taas pwede ninyong iforward ang message na ito. O itext ninyo sila para mas mabilis. Ang akin ay suggestion lang. TEN YEARS lang naman tayo next year eh. Kalimutan na natin iyon. TEN YEARS LANG NAMAN.
O paano, kailangan natin ang suggestion ng bawat isa, paki-forward na lang kay Pol Mark kung alam ninyo ang email niya, siya ang Presidente natin. Pinadalan ko na siya ng kopya ng batch natin. Maraming salamat kay Ma. Chona (second honor natin, dahil first cousin ko) na nanghiram kay M’Laniog ng class record niya para mapaphoto-copy ang listahan natin.
Okey, ingat kayong lahat at nawa’y magkita-kita tayong lahat sa ating reunion (kasama ng inyong mga baby at asawa).
God bless you all!
Love,
John Joel E. Vergara
IV- St. Dominic
Tuesday, August 09, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment