Natagpuan ko ang tulang ito sa blogs ni Mr Rene C. San Andres na kapwa ko taga-Pulilan
Bayan kong sinilanga’y dili iba’t ang Pulilan ,
Mga binata’y makikisig ,
dilag nama’y maririkit ,
Sa tahanan nitong ama ,
palamuti’y nangagsabit ,
Tanda ng kasaysayang walang patid iniukit.
Sa pagpasok mo sa Longos,
kalabaw na nakaluhod,
Ang sa iyo ay bubungad,
masdan mong buong lugod,
Sagisag ng isang lahing,
sa D’yos Ama nananalig Paniwala sa Maykapal ,
lahat yao’y binubunyi.
Ang Longos na nuong una’y tahanan nitong PI,
Eskwelahang humubog din,
isip mandi’y pinapanday,
Kahit tabi nitong ilog,
at sa isip na mahusay,
Hindi na rin malilimot,
ang talino sa pagsikhay.
Dumako ka pa roon,
at Sto Cristo’y sasapitin,
Lugar ng mga Ochoa,
dakilang tao’t pinuno rin,
Mga tao’y mababait,
bukas-palad sa pagtulong,
Katangiang sadyang likas,
karangalang yumayabong.
Kung lalakad pakanluran,
sa Cut-cot ay magagawi,
Dito dati ang kiskisa’y ang hilera’y walang patid,
Inaning palay sa kabukiran,
dito lahat gigilingin,
Sa pagdating ng tag-ulan,
ay kaysarap na sinaing.
.
Read more...
.
Friday, February 01, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment