Sa aking pagpunta sa simbahan ng San Agustin sa Baliwag, Bulacan, nuong isang taon, nagulat ako nang makita ko ang dalawang libro na ang una ay may pamagat na "Vitamin C" at ang isa naman ay "Multivitamins" na parehong isinulat ni Fr Ariel Robles. Hindi ako sa pamagat nagulat subalit sa pangalan ni Fr Ariel. Naging guro ko kasi si Fr Ariel nuong 1994, diyakono palang si padre nun, unang taon ko iyon sa seminaryo ng Inmaculada Conception sa Guiguinto, Bulacan. Bago ako magtapos sa Philosophy Department taon 1999 si Fr. Ariel ang aming college dean.
Tahimik lang si Fr. Ariel ngunit pag nagsalita ay makabuluhan at talagang makikinig ka. Simple ngunit malalim ang kanyang homilya. Nakakatuwang isipin na may nalathala na pala siyang libro ngayon. Pagkabili ko ay pinabasa ko muna ito sa ina ko. May isang parte daw dun na naiyak siya, itinuro niya sa akin iyon, at ito ay isang liham na mula sa magulang na marahil ay uugod-ugod na. 'Di ko lubos maisip na marami pala ang naantig sa sulat na ito kaya mabilis itong na nalathala ("kumalat") sa internet.
Sana ay magkitang muli kami ni Fr. Ariel upang siya ay pasalamatan at i-congratulate.
Sa Aking Pagtanda
Rev. Fr. Ariel F. Robles
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak, matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…
Listen to his radio interview on SBS Radio
An Aging Parent's Plea To His Child
English translation by Edecat Manila
As I grow old,
I seek your Patience and Understanding.
Despite Hard-of-Hearing - notwithstanding,
"Love me". You're told.
If I spill Soup or break Plate,
My Eyesight could be dimming.
Look upon me with no hate.
Lest, I get a bad feeling.
If I am slow to stand,
My Knees could be weakening.
Quickly give me your Hand,
For I did teach you - Walking.
If I'm slow to understand,
My Hearing could be failing.
Write down or Motion-by-Hand,
So I could get the meaning.
If I sound like a "Broken Record",
My Memory could be lapsing.
Please do not laugh at me - nor be bored.
Bear with me - just by listening.
If I feel so alone,
My Spirit yearns for your presence.
Although busy at work,
Find time to be with me at home.
If I become hard-to-please,
My Consciousness favors the familiar.
Be careful and not amiss,
I'm exacting on particulars.
If I emit an unpleasant smell,
I could have the Odor-of-Old.
A daily Bath could make me unwell.
My weak Body could get a Cold.
If I urinate and move my bowel in bed,
Persevere still in loving me.
My Life is ending and farewells would soon be said.
Memories last eternally.
And if my Moment-of-Death is near,
Hold my hand and embrace me dearly.
Your love for me brings "God's Blessings" here.
You and I are truly family!
source: http://ezinearticles.com/?expert=Edecat_Manila
Friday, February 01, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Nakabasa po ako Ng magazine of Sta. Ana San Mateo Rizal given to me by Mr. Bonifacio Velasco . Also from bro . Ernie Landavora Title is Sa Aking Pagtanda a very inspiring song plus my experience as lay minister of the Holy Communion there a song was made also entitled Sa Aking Pagtanda. It was recorded arranged by Mr Tex cimafanca please listen now in you tube by Edwin a negapatan . thanks to father Ariel some of my Lyrics where from your article . God bless po!
That was 2009 3 songs were composed now in my first ever musical album of Senior Citizens for every body. Album is entitled Puso Ng tahanan si lolo at lola a very discriptive title praying all be ok as I go along singing Sa aking pagtanda
Post a Comment