Saturday, February 02, 2008

Sa Dapit Hapon

T’wing dakong dapit-hapon,
Minamasdam ko lagi
Ang paglubog ng araw,
hudyat ng takipsilim;

Ganyan ang aking buhay,
Kung may dilim ang buwan
Hihiwat sa baybayin pagsapit ng dilim

Kung magawa ko lamang
Ang hangin ay mapigil
At ang dilim ng hatinggabi,
Huwag sanang magmamaliw.
Upang ang palakaya ay laging masagana;
Sa tangan kong liwanag ang kawa’y lalapit.

Nang dakong dapit-hapon,
Piging ng Panginoon,
Sa mga kaibigan ay manghuling hapunan.
Sa bagong salu-salo,
nagdiriwang ang bayan,
Ang tanging Kanyang hain
Ay sarili niyang buhay.

FR. EDUARDO P. HONTIVEROS, SJ
(20 Dec 1923 – 15 Jan 2008)

No comments: