Thursday, January 03, 2008

Ang Sukli Ko

Nakakabato kanina
Hindi dahil sa walang ginawa
Nakakabato lang
Umalis ako ng bahay at nagtungo sa Footscray Market
Isa itong asian wet market

Diretso ako sa Pilipino take away store
Bumili ng masarap na tanghalian
Isang order ng kain at dalawang ulam
Menudo at bistik

Nagbayad ako at humingi ng patis.
Nakalimutan ko na tuloy ang sukli ko
dahil sa excitement
Hala diretso na sa lamesa

Sabi ng tindera sa kustomer pagkaalis ko
"Naiwan nung mama yung sukli nya"
Sumagot ang ale, "hindi mama iyon
si pader yun!"

Masaya kaming kumain ng ale
Nagkataon na isang parokyano
Kasama niya ang kanya asawa at kaibigan
Lahat sila miyembro ng koro Pilipino

Nagtatawanan sila at tinawag daw akong mama
Nye, balewala sa akin yun
ang mahalaga
may Filipino food ako ngayon.

Pagkatapos kumain
Kahit busog na di ako nakuntento
Gusto ko ng turon panghimagas
Bumalik ako sa tindahan at bumili ng turon
Papunta pa lang ako
Abot tenga ngiti ni aleng tindera

"Ang bata bata mo pa!" tanong nya
"Ilan taon ka na?"
"29 po"
"Kaidad mo lang ang anak ko"
"Hehe." sa isip ko
"Eto ang isang balot ng pandesal
bigay ng may ari."

Ay lumaki tuloy ang sukli ko.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kristo
"anyone who leaves father, mother,
sisters, home will gain a hundredfold"

Ang pandesal kaya ay isa lamang sa hundredfold
Ano kaya ang susunod?
Hehe kahit wala basta salamat na lang
Kakatuwa
Kanina ay nakakabato
Ngayon ang bato naging pandesal
Tara magselebreyt tayo.

No comments: