Sumulat muli si Rizal sa kanyang mga magulang:
January 31, 2007 11:34 pm
Medyo tahimik lang araw ko ngayon. Nakipagconcelebrate sa misa kanina umaga kay Fr. Frank. Buti nga gumising pa ako kasi nakakatamad bumangon bigla kasing lumamig ngayon. Pagkamisa balik na ako sa kumbento diretso na ako sa kusina para kumain ng agahan bandang 10am na iyon. Nako busy ang kitchen "nagmomorning tea" ang mga staff namin. Alam mo naman ang mga puti pag-kape lang ang tagal ng kwentuhan. Ang balak ko ay makapagsaing sa microwave at iinit ang longganisang bigay sa akin ng ate. Di ko magawa ang lihim kong agenda una medyo dyahe akong mag-heavy breakfast lam nyo naman dito pag narice sa agahan e "weird" na dating. Kahit na sanay na sila sa akin kumain ng cooked breakfast, minsan nga e sopas ang agahan ko habang nag-cocofee lang sila, e ngayon e parang nahihiya ako. Ikalawa kasi nakaharang sa microwage si Norma, isa sa pastoral associate namin, di ko naman mapaalis dahil sarap ng kwentuhan nila. Anyway, makalipas ang ilang taon ay natapos din sila. Dali-dali na akong nagsaing sa microwave 6minutes lang sa isang gatang. Kasunod ay ang longganisa ng ate hazel. Di ko na sasabihin kung ilan ang kinain ko at baka mag-hunger strike ang mga kababayan natin na di nakakain ng longganisa. Bundat na bundat ako. Reward ko yan dahil nag-gym ako kagabi. Masakit nga pala ang katawan ko dahil sa pagkagym ko. Baka bukas uli pag medyo nalibre. Pagkalunch ko ay inantok ako bigla. Naisingit ko ang aking maagang siesta. Reward ko yan dahil baka mag-gym ako bukas. Pagkagising ko ay lunch na time na. Ang inulam ko naman ay menudo. Katas ng bigay sa akin nung fiesta ng Sto. Nino. Oha dami ko ng food ngayon (at nag-ooha na rin ako gaya ni Cune). 6:30pm binukas ko na ang simbahan para sa funeral vigil kung saan ipapasok ang patay sa simbahan at magdarasal ng rosaryo ang mga kaanak at kaibigan ng namatay. Nakakalula ang dami ng tao! Ako ang naglead ng rosaryo pero pumikit na lang ako habang nakaupo sa altar ang dami kasing tao. Ang namatay ay may ari ng Mitre 10 shops dito sa Werribee at Hoppers Crossing. Counterpart ito ng Bunningwarehouse. Samakatuwid ay mayaman ang namatay. Bukas ang libing at inaasahan na dadagsa ang mga tao. Pagkarosary ay umalis na ako at si Fr. Frank naman ang pumalit sa akin dahil may pupuntahan akong dinner. Nakikain ako sa isang pamilya na taga dito sa parokya. Ang dami dami kong nakain. Reward ko ito dahil mag-gigym ako next week.
Friday, February 02, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment