Nuong Feb 10, 2007 tinatayang 6,124 na Filipino couples ang sabay sabay na nag-kiss sa loob ng 10 seconds. Ang bilang na ito ang nag-break daw sa Guinness World record na 5,875 couples sa Budapest, Hungary. Nang napanuod ko ang "historical moment" na ito ay nagsisigawan ang mga hosts ipinagmamalaki ang galing ng Pilipino. "This is it Philippines. World record na naman ang Pilipinas!" Proud na proud din ang mga nagsilahok na magkakasintahan at naging parte sila ng history. Ayon sa isang pahayagan ipinakita muli nating mga Pilipino na tayo ay may reputasyon na isa sa pinaka-romantikong tao sa buong mundo. Nakakatuwang makita ang mahigit na anim na libong tao ang nagkakasayahan, nagmamahalan, at sa loob ng sampung segundo ay nagkiss sila ng sabay sabay (di kasali ang mga camera man). Pero, nagdiwang nga ba talaga kaya ang buong bansang Pilipinas o mas nagdiwang/kumita ang sponsor ng Love Paluscha na to? Natatandaan ko nung una para lang ata sa mag-aasawa lang ito pero sa napanuod ko open ito para sa lahat.
Mas maganda sana maging World Record ng Pilipinas sa susunod na Valentine's Day season ay magsama-sama at hawak kamay ang mga magnonobyo at magnonobya (ginagamit pa ba ang term na ito?) at sabay sabay na uusal ng panalangin at mangangako na igagalang nila ang isa't isa, magtatapops ng pag-aaral, magiging masunod sa magulang at magiging tapat hanggang sila ay ihatid sa altar ng Diyos. (Blah-blah) Bumenta kaya ito sa kabataang Pilipino? Sino kaya ang mag-isponsor?
**********************************************************************************
Basta ako napunta na sa MoA. Nuong nakaraang taon, araw ng Linggo, buwan ng Nobyembre, pagkapananghali, pagkaligo ng mabilis, mula sa probinsya ng Bulacan, dinayo ko ang lungsod ng Pasay upang makiusyuso sa 6th largest shopping mall in the world - Mall of Asia.
Alam ko ang tawag dito ay the Globe. Napakatibay daw nito. Di ito naibuwal ng mga nagdaan bagyo. May tumawag din na dito na "the mole"
Eto na papalapit na ako.
Closer. Welcome to me sa Mall of Asia. Tao na ko.
Matagal akong nakatulala dito. Gusto kong pumasok para hipuin kung gaano kalamig ang yelong sahig.
Nakatayo ang MoA sa reclamation area sa gawing silangan ng Roxas Boulevard sa Pasay City. Kitang-kita ang dagat sa likod nito.
Mas naenganyo ako sa happening sa labas kaya patakbo akong lumabas sa labas. Sarap lumabas. hehe. Hindi ito People Power nagkataong may exhibit ang Philippine Marines. Swerte ko talaga.
May bago akong friend. Kakainggit. Sayang di ko naarbor ang cup nya.
Gusto kong ipalit ang fruit juice ko sa rifle nya. Pero mukhang di sya happy.
Astig. Muntik ko nang hamunin ito ng suntukan. Trip lang.
Eto ang battle tank model 3210. hehe jk
May bata pala sa loob ng tank na ito kaya pumasok na din ako. Di pa rin ubos ang fruit juice ko.
Pinsan ng O2 ko. NaO2O2 ako nito
At St. Paul Libreria. Nakita ko ang book ng professor ko na si Msgr. Elliot.
Nasa akin na iyan.
Eto ang d best sa lahat. Dinner ko ay Jollibee Spaghetti and Chicken Joy.
Record: Sa loob ng limang oras nalibot ko halos ang kabuuan ng MoA.
Acknowledgment
Isang pagbati sa aking special friend na si Christine Joy
na aking ka-date sa Mall of Asia in spirit. :)
No comments:
Post a Comment