Di ko alam kung ano ang title ng entry ko ngayon kaya "Untitled" ang nilagay ko. Baka di kasi maintindihan ng mambabasa, dumarami na kasi ang adik ngayon.
Sa loob ng labing-isang taong lumipas pag-kagraduate ko ng highschool ay narealize ko na sa loob ng labing-isang taon pagka-graduate ko ng highschool (Inulit ko lang para sa mga adik.). Sa loob ng...
...lagi ko na lang kinu-compare ang pang-araw-araw ng karanasaan ko sa buhay ngayon sa buhay ko nuong highschool. Lagi na lang ang high-school life ko ang batayan ko ng pagbabago o hindi pagbabago ng aking buhay.
Halimbawa.
a. Marami kong damit na nuong highschool na minana ko lang sa kapatid o kung sinong nagbigay (eg. t-shirt, pantalon, sapatos, uniform). Ganito pa rin hanggang ngayon.
b. Nuong highschool takot ako sa mga crush ko lalo yung magaganda ngayon mature na ako, di na uso ang crush-crush...(humahaba ang ilong ko).
c. Nuong highschool maliit lang ang mundo ko. Ngayon madami ng nakakakilala sa akin kaya lalong lumiliit ang mundo ko.
d. Nuong highschool takot akong ma-epiphanise (look for the word "epiphany") ng damdamin ko sa mga crushes ko. Kaya hanga ako nuon sa mga kakilala ko nuong hs na di torpedo o yung malalakas ang loob. Pero hindi ako hanga sa mga taong "courageous" sa maling pagkakataon. Halimbawa ay hindi ako hanga sa taong sumulat nito sa akin:
Hi John, how's it going? Thanks for getting back to me. How is your week going so far? It's Wednesday and we're half way there. Can't wait for the week, it's been a long week so far. I really need to start having some fun around here. To do that I need to meet some fun people to hang out with. As I think I mentioned before, I just moved here from the U.S. a few weeks ago. Lived in St. Louis, Missouri my whole life until now. I just wanted a fresh, new start somewhere and my job gave me this opportunity. Of course it may not be permanent but I love it so far. It is a different world out here, so i'm still kind of adjusting and finding my way around. Not to mention I don't know anyone around here. I definitely want to meet up with you soon if you're down! According to the site I live close by so we could really meet whenever you want. Maybe you could show me around a bit? Hit some bars, do some dancing, see a good show. I'm up for anything! You tell me. I'm sure there is plenty to do around here. You can be my tour guide. Don't worry, i'll repay you for your time ; ). I know it might be kinda of weird since we don't know each other but let's take a chance...why not? I promise I won't bite : ), unless you want me too, haha. How 'bout it? Are you interested?
(Pangalawang sulat na niya yan at di ko na siya sinagot baka kasi maniwala akong totoong tao ang sumulat nito sa akin.)
e) Nuong highschool walang sumusulat sa aking ng Ingles o nagpe-plert (hehe) tulad niyan.
f) Nuong highschool sipunin ako. Ngayon walang pinagbago.
g). Nuong highschool lagi kong iniimagine ang itsura ko pag-above 20's na ang edad ko. Ngayon lagi kong ini-imagine ang itsura ko nuong highschool.
h.) Nuong highschool mabilis akong maubusan ng halimbawa kapag nagpapaliwanag. Hanggang ngayon.
***********
Taon taon, tuwing magpapalit ang taon, pagkatapos ng putukan, tumitingala ako sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin. Lagi kong tinatanong sa isip ko kung ano ang magaganap sa taon na ito...sino ang mamatay, ano ang magagandang mangyayari, atbp. Ngayong taon na ito di ako nakatingala sa langit, di ko napagmasdan ang mga bituin. Pero tuloy pa rin ang pagkumpara ng nuon at ngayon.
****
Salamat sa Diyos sa biyaya ng buhay.
No comments:
Post a Comment