Hanggang ngayon ay hindi pa ako makapaniwala sa pagkamatay ni Ernie Baron. Laging nakikinig ang Ama ko sa programa niyang Knowledge Power sa DZMM nung elementary pa yata ako. Dito natutunan ng Ama ko ang healing power ng bawang at dahil dito nagsimulang mag-amoy adobo ang bahay namin. Kay Ka Ernie ko natutunan ang heling wonder ng medicinal plants tulad ng kakawate, luya, oregano, banaba, sambong, at pati yata marijuana. Sa kanya ko unang narinig ang pinakamahabang pangalan ng tao, mga imbentor, scientists at kung anu-ano pa.
Minsan kong sinubukan ang tonic water ni Ka Ernie mula sa Pyramid at patagong nagsuot ng Pyramid hat niya nung periodical exams namin nung highschool. Tatalas daw ang memorya kapag uminom nito at pagsuot ng pyramid hat habang nag-rereview. Para mas epektib kumain din ako ng mani. Sayang nga lang nakalimutan ko agad kung naipasa ko ang exams ko na yun. Siguro selective ang memory ko.
Dati lagi pa akong tinatawag ng Ama ko kapag si Ka Ernie na sa TV Patrol. Natataon naman lagi na nagpapakain ako ng aso kaya tatakbo ako ng matulin para maabutan siya upang madadagan naman ang aking kaalaman. (Buti di ako sinabihang 'adik' ng aso).
Nakakalungkot isipin na wala na si Ka Ernie. Naging parte din siya ng "childhood" ko. Nakakamiss ang regular niyang imbitasyong umattend sa kanyang seminar sa Camias tungkol sa cleansing diet o gamit ng pito-pito.
God bless your soul Ka Ernie!
Saturday, January 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment