Sa wakas natapos na rin ang exams! 11:am to be exact. Matapos ang ilang linggong pag-cacram ng mga assignments, revisions at pagrereview kahit na ilang minuto na lang exam na ( sa ganitong situwasyon ako biglang gumagawa ng instant resolution, sasabihin ko sa sarili ko na ito na talaga ang last, magiging on time na ako sa next time. Para na akong politician na nangangako sa taong bayan bago mag-election).
Magaan ang feeling kapag napagdaanan mo rin sa wakas ang bagay ni sa isip ay ayaw mong gawin pero no choice ka. Ngayong tapos na ang first term ay para may naririnig akong background music sa isip ko. Kanta ito ng Eraserheads na di gaanong sumikat: Sa wakas ay nakita ko na ang aking hinahanap sa wakas ay nakuha ko na ang aking hinahangad kay tagal ko ng naghintay at nagsunog ng kilay ngayon ay masasabi ko na ang matamis na tagumpay. Basta okay ang kanta na ito para sa akin...lalo na kung adik ka:)
Dahil nga natapos nang maluwalhati ang examination week namin. Binigyan ko ng reward ang sarili ko. Ititrit, ulet, itinrit, isa pa, itinirit, (yung bang "inilibre" o sa English "to treat") iyon, inilibre ko ang sarili ko na manuod ng sine. Matagal ko ng gustong panuorin ang Star Wars Episode III. Matagal na panahon na din ang lumipas na di kami nagkikita ni Natalie Portman. Maganda ang pagkagawa ng pelikula at lalo na ang computer graphics nito para talagang totoo. Ang galing din ng twist ng story. Kahanga-hanga si George Lucas. Siguro isa siyang Jedi.
Two-weeks ko ng pinapanuod ang Crouching Tiger Hidden Dragon. Napanuod ko na ito dati pa pero nakalimutan ko talaga ang lahat ng nangyari kaya parang first time ko palang ito pinapanuod ngayon. Ito na yata ang pinakamatagal na pelikula na hindi ko matapos-tapos. 10-15mins lang ang viewing time ko at every other day pa. Depende sa availability ko. Kaya para na rin akong nanunuod ng soap opera ni Marimar. Suspense ito at talagang martial arts, bakbakan ika nga. Isa pa maganda pa yung isang bidang babae si Jen. Minsan pinapatay ko kaagad ang dvd pag-alam ko na maganda ang susunod na scene para may suspense. Next week ko na uli siya itutuloy siguro 15 minutes na lang tapos na. Kakaexcite!
Two weeks ko ding binasa ang libro ni Nick Joaquin na pinamagatang "Cave and Shadows." Tungkol ito sa cave..at sa shadows. Unpredictable din ang twist sa huli ng istorya at parang nanunood ako ng pelikula sa galing magsulat ni Nick Joaquin. Kaya nga siya nahirang na National Artist for Literature. Lahat ng libro, essays at poetry niya ay sa wikang Ingles. Napakalaki ng contribution niya sa Philippine Literature in English kaya naman malaking kawalan ang pagkamatay niya last year. Nakakalungkot isipin kung hindi siya kilala ng mga Pilipinong estudyante ngayon. Susunod kong basahin ay "The Woman Who Had Two Navels" na isinulat niya nuong 1991. Sana makuha ko rin ang skills niya sa pagsusulat pero malabo iyon!
Nabasa ko ang ilang jokes tungkol sa wiretapped conversations 'daw' ni GMA at Garcillano. Ang bilis talagang mag-isip ng mga Pinoy updated kaagad ang jokes at may 'Hello garci" ringing tone pa daw! Nakuha ko ito sa pcij na nakalink sa blog ni Cyril.
Latest news update: Iggy Arroyo is now practicing the voice of GMA. A longer version: News: Nakatakdang aminin ni Iggy Arroyo na siya ang babaeng boses sa tape. Napabalitang bumalik siya sa kanyang bayan para pag-aralan gayahin ang boses ni gma.
Woman: Garci, dy, pasahan mo naman ako ng load, este, ng vote….
==
Garci: Hindi ako nagtatago noh! Nakikipag-phonepal ako kay Saddam!
===
Opposition: Why can’t GMA come out and say ‘i’m not the ma’am in the tape’?
MalacaƱang: She doesn’t want to lie.
===
Ang mga nangyayari sa ating bansa parang teleserye:
Yung jueteng scandal ang title "Mga anak ng jueteng."
Yun namang gloriagate scandal "Tap si glo!"
===
Babae: Lahat ng mga Arroyo ay magnanakaw.
Lalaki: Ang sakit mo namang magsalita.
Babae: Bakit? Isa ka ba sa mga Arroyo?
Lalaki: Hindi. Magnanakaw ako!
===
Aba naman Gloria napupuno ka ng grasya.Ang kayamanan ng tao ay sumaiyo na,Bukod ka pinagpala sa babaeng lahat.Pinagpala rin ang iyong angkan. Wala nang natira saAMEN.
===
Q: What special feature is added in the cellphones of Mike and Mikey Arroyo?
A: Call Jueteng.
Ssssshhhhh! Naka-wire tap, si Gary ito huh
Yun lang. Happy holidays to me! But not really. May parish mission kaming senior year next week sa St. Peter's Parish, Clayton. I will be speaking about silence in the Eucharistic Adoration. I pray that this activity will be a successful one. Sana.
No comments:
Post a Comment