Thursday, June 30, 2005

Bloopers

Kanina naglakad kami ni Odra para maghanap ng murang makakainan, 1:30pm na nun (2:55 pm na ngayon) kaya tabingi na ang tingin ko sa kalsada, as usual ang usapan namin ay tungkol sa Pinas, wala ng iba pa. Siyempre understood na intellectual lagi ang usapan namin.
Tanong ni Odra sa akin na parang nababagabag ang damdamin: "Bakit kaya may mga taong mali-mali? Eh wala namang taong tama-tama." Nabagabag din ako. Gusto kong maiyak...


***
Umiyak. Napatunayan ko na iyakin pala talaga ako pag mag-isa lang akong nanunuod ng tv o pag-nagbabasa ako ng malungkot na novel. Last Tuesday nasa bahay ako ng ate Marsha ko; sinusulit ang Filipino Channel nila at ang kanilang bagong plasma widescreen tv. Late na ako nagising nung umaga na iyon dahil late na ako natulog (simple logic). Kakain na sana ako nang bigla kong maalala na libing nga pala ni Cardinal Jaime Sin ngayong umaga. Dali-dali kong binuksan ko ang tv, sakto live coverage ang funeral rites ni Cardinal sa ANC!

I-soshorcut ko na ang kwento... Nang makita ko palang ang dami ng tao sa labas ng Manila Cathedral ay nalungkot na ako, iba talaga ang dating. Maalam akong nakinig sa homily ni Bishop Villegas kahit na alam ko na isang kontinente ang layo ko sa Pinas. Gayunpaman, ramdam na ramdam ko ang atmosphere of grief and sadness by the lost of own prelate. Binanggit ni Bishop Soc na ang huling pananalita daw ni Cardinal Sin sa kanyang deathbed ay "Vamos (Let us go)". Ang salitang "vamos" ay laging sinasabi ni Cardinal nung kalakasan pa niya bilang paanyaya; "vamos a Edsa", "vamos a Luneta", "vamos a comer"...etc. "As we walked through the uncertainties of life, he came with us everytime," patuloy ni Bishop Soc. "Vamos" ang muling sambit ni Cardinal..."but did not take anyone with him." Sa puntong ito nag-cracked ang boses ni Bishop Soc at pilit pinipigil ang kanyang emotion sa pag-iyak. At dito sa pagkakataong ito ako naiyak muli, ang huli ko'y nuong araw ng libing ni Pope John Paul II.

Sa labas ng Manila Cathedral ipinokus ng kamera ang mga taong hawak-kamay habang kumanta ng Ama Namin. Apat na estudyanteng babae ang magkakawak ang kamay. Iyon lang at tumulo ang luha ko... Ang larawan ng pagdalamhati ni Dr. Ramon Sin (kapatid ni Cardinal) ay nagpaiyak muli sa akin. Kapansin pansin na habang ibababa ng sa crypt ang mga labi ni Cardinal Sin ay humahagulgol si Bishop Soc na parang bata. Nagaya ako sa kanyan ng kaunti. Nakakaantig din ng emosyon kahit na yung mga simpleng bagay na nakita ko tulad ng mga kalapating puti na sabay sabay na pinakawalan, mga taong nakaluhod, kanta ng choir, mga madre, mga umattend na goverment officials, iyong pag-ulan pagkatapos libing, atbp. Simple lang pero powerful ang dating para sa akin-- Pilipino kasi ako. Marami mga simpleng bagay sa Pilipinas na ngayon ko lang na-aappreciate kung kelan nasa ibang bansa na ako.

At isa na rin sa mga dahilan kaya madaling nahulog ang emosyon ko ay siguro dahil sa pakiramdam ko parang nanduon ako mismo sa loob ng Manila Cathedral (salamat sa widescreen plasma tv ng ate Marsha ko. Bili na rin kayo!). Ilan sa mga personal kong kakilala ay nakita ko sa tv ay sina Fr. Aries Reyes, Bishop Tirona, Bishop Alamario at pari na nagmisa sa Megamall nung magsimba ako dun last January.

Ilang linggo bago mamatay si Cardinal Sin ay paulit-ulit kong pinapanuod ang biography niya (A Guide to: Orginal Sin. Pari, Pilipino, Propeta) at binabasa ko naman ang libro ni Bishop Socrates Villegas (Always Jesus, Only Jesus). Fresh pa rin sa ala-ala ko nung dumalaw ako sa House of Sin nung January 2003 kasama ang Rector at Tito ko. Very accomodating at hospitable si Cardinal Sin kahit na may sakit na siya nuon. Hindi ko makakalimutan pinainom pa niya kami ng masarap at mainit na cappucino. End of story.

****
Nasaan ang bloopers? Kahapon ng gabi ay nag-offer ang Archdiocese of Melbourne at Filipino Community ng Misa para sa kaluluwa ni Cardinal Sin. Pagpasok ko sa car park ay nakita ko namataan ko ang mag-asawang Pilipino sa loob ng kotse, kaibigan ko sila na taga Deer Park. Excited ako ng makita sila. Hangos akong lumapit, nagmano, at masayang nakipagkumustahan. "Tita kumusta na po? Ay, buti naman po at nakarating kayo." "Uy, Tito kumusta na po, batang bata po tayo ngayon ah." (normally may bigote siya)

Nag-simula na ang Misa. Mula sa altar napansin ko ang dalawang mag-asawang binati ko kanina. Habang tinititigan ko sila narealised ko na hindi pala sila yung couple na kaibigan ko na taga Deer Park. Kamukha lang pala! Nung mga sandali na iyon gusto ko na lang na maging bula na biglang mawawala sa kinatatayuan ko. Pilit ko itong kinakalimutan pero habang kinakalimutan ko lalo ko lang naalala. Hanggang ngayon kino-convince ko pa ang sarili ko na panagip lang yun!

Pahiram ng expression na lagi kong nababasa mula Pinas -- "wakoko":(

*****
Maglilipat na nga pala ako ng blog napansin ko kasi na pag-ina-update ko ang blogs ko ay automatic na nag-papadala ang friendster ng blogs announcement sa lahat ng contacts ko. Kaya nag-evacuate na ako ng mga entries ko sa
http://www.tukayo.blogspot.com/

******
Nakakahiya, may ilang nagsabi sa akin na binabasa daw nila ang blogs ko, at may Australian pa na nagrerequest na isulat ko daw sa Ingles ang mga entries ko dahil hindi niya naiintindihan ang Tagalog. Muli hihiramin ko expression ng ilang Pilipino ngayon tulad ng kapatid kong si Cune, "wakoko":(

No comments: