Di ko alam kung mahilig ba akong sumulat o inspired na sumulat o dahil sign lang ito ng procastination (tama ba ispiling?). Nuong umuwi ako sa Pinas lagi kong sinasabihan si Cune, siya ang bunso namin, "Cune nagpoprocastinate ka naman!" Pero eto ko ngayon "nagbloblog" e my essay ako na dapat gawin NGAYON. Due na ito sa Tuesday para sa subject ko sa Theology na "Developing Ethics of Solidarity." Kasi naman napakahaba ng mga materials na binabasa ko like Rerum Novarum (sinulat Pope Leo XII), Laborem Exercens (John Paul II), at iba-iba pang reading materials at documents tungkol sa social justice issues.
Sana bumalik na lang ako sa pagiging grade one sa Pulilan Central School. Simple ang buhay. Mas kaya kong sumulat ng alphabet na very neat gamit ang matabang Mongol pencil kesa mag-sulat ngayon ng theological papers. Isa pa kung babalik ako sa grade one mas malaki ang tsansa na makita ko ang naiwala kong photo album na magpapatunay na hindi ako ampon ng ama't ina ko. At kung makikita ko ito hindi na ako paulit-ulit na kokonsenyahin ng uliran kong ina sa pagkawala ko ng mga childhood photos ko! Imagine mula 1984 hanggang ngayon ini-interogate pa ako ng ina ko sa lintek na photo album na iyon. Gusto ko ba iyon? Ayoko na sa grade one uli...hehe.
Di ko na matiis kanina. Humingi ako ng divine intervention kay Lord. Dali-dali akong nagbisekleta patungo sa St. Francis Church sa city para magsimba. At may bonus pa, nakita kong walang nakapila sa kumpisalan kaya dumiretso na ako sa confessional box. Ito ang mga ikinomfess ko kay Father Murphy (okey sa alright ang tag-lish ko a!).....
Sorry, di uso tsimis dito.
Tapos na ang Misa, biglang kumalam ang sikmura ko kaya kailangang humanap ng makakainan. 7pm na iyon so its fair enough naman kailangan na talagang kumain. Nagpunta ako sa Wingloong restaurant sa China Town. Grabe puro Chinita ang mga Chinese duon para akong nanunuod ng soap opera sa Pinas. Maraming magagandang Chinese na nagkalat sa daan (as in di pirated Tsinita, pure Chinese talaga!) May kumain din na Pilipino sa restaurant dahil narinig ko na sila na nag-Tagalog pero mukhang Bumbay naman sila (pirated). Teka, required ba na isulat ang buong detalye dito sa blog? Ako lang naman ang bumabasa nito e.
Anyway, tuloy pa rin ang procastination ko.
Basta sa ngayon na-iinggit ako sa mga batang Filipino Journalists lalo na Inquirer. Ba't ang gagaling nilang sumulat. Ano kaya ang kinakain nila? Siguro hindi lang occupation ang pag-susulat para sa kanila kundi ito ay passion nila. Sana ako din! Pero sa ngayon dapat maging passion ko na ang pag-sulat ng essay sa Theology. Haleer bro! Di ba gagraduate ka na sa 15 April, next Friday, sa Melbourne University ng Bachelor of Theology eh ba't ngayon mo lang naisip yan. Oo nga ano?
O sige na nga, passion kung passion.
Ayan sa isip ko sinisigawan na ako ni Cune, "Kuya nagpoprocastinate ka!!! Tigilan mo na ang blog blog mo!!!"
Sunday, April 10, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment