Tuesday, April 12, 2005

Ang amoy

Maikli lang ang entry ko ngayon. May mas mahalaga kasi akong ginagawa. But for the sake of writing down my thoughts of the day eto magsisingit lang ng konti. May maliliit at napakasimpleng bagay pala na kayang mag-bigay sa iyo ng kakaibang mood o lalim ng pagtingin sa pag-iral (lalim nga). Halimbawa sikat ng araw, alinsangan, tubig, bulaklak, mahabang buhok, huni ng kuliglig, paglingon, ngipin, kuto, polobo, at marami pang iba. Kagabi kasi sa Holy Hour sa chapel namin na bagong varnish ang wooden floor ay talagang amoy na amoy ang chemical ng varnish paint. Masakit sa ilong ang amoy pero iba ang dating nito sa aking damdamin. Bakit? Kasi amoy floorwax ang dating sa akin nung varnish. Bumalik sa aking ala-ala ang highschool days lalo na tuwing hapon na isa ako sa cleaners ng room.


Magpofloorwax kami tulad ng ibang mga cleaners iba't ibang section at year level. Ang mga girls maglalagay tubig sa water plants na nasa garapon. Nakasalansan ang mga maruruming basahan sa maruming cabinet kasama ng maruming bunot. Ang amoy ng varnish na naghatid ng amoy ng floorwax ay naghatid din ng ala-ala ng aking crush sa school. Masaya at malungkot naalala ko ang mukha niya na matagal ko ng gustong makita uli pero ibang topic na iyon.
Mahirap pag samahin ang floorwax at ang isang magandang binibini.

No comments: