Thursday, April 21, 2005

Welcome to me

Eto ko ngayon naglilipat ng blog-blog ko. Mas okay kasi ang graphics dito sulit!

From my friendster.blog April 08, 2005 title: Nawala

Ang tagal kong nag-compose nang aking unang blog message. Nang matapos ko na ay bigla na lang nawala! Isang simpleng reflection lang naman iyon sa buhay ni Pope John Paul II. Next time na lang.

Good Shepherd Sunday


I gave this talk last weekend in all four Masses in Gladstone Park. In all those four occasions this piece only served as my guide because I added some reflective thoughts (or should I say more jokes).**

Vocation Talk: Good Shepherd Sunday April 15, 2005
Good Shepherd Parish, Gladstone Park Parish Priest: Fr. Victor Buhagiar
Introduction

My name is John Joel Vergara. I am a sixth-year seminarian from Corpus Christi College in Carlton. I was born in the Philippines and arrived here in Australia four years ago.
Every year, we seminarians from Corpus Christi College, go out to different parishes on “Good Shepherd Sunday” also known as “Vocation Sunday”, which is today. We share our vocations story in all weekend Masses, hoping to encourage many young people (and those “young at hearts”) to consider God’s call to priesthood and religious life.Today is a special day, as Catholics around the world are united; praying for the increase of priests and religious brothers and sisters. We pray for new shepherds and pastors who will lead Christian communities and families.

The Shepherd and the sheep

In today’s Gospel, Jesus speaks of himself, “I am the GATE of the sheepfold.” Jesus is the gateway or entrance to the sheepfold or pasture, which is the true home of sheep, where they are safe and cared for.

We also hear the intimate relationship between the sheep and the Shepherd. The sheep hear and recognize and follow their Shepherd’s voice. They follow the voice of their Shepherd because it assures them security, away from wild animals or thieves.
Perhaps you would know this better because we don’t have sheep in the Philippines. First, the climate is too hot to keep the sheep. And secondly, we don’t have enough space for the sheep, we are too crowded already. I think that’s why I am here. I have heard that here in Australia there are more sheep than the people!
Who and what influence me to enter the seminary.
Looking back from my own vocational journey I can’t remember anything dramatic event in my life. I didn’t hear a big voice of God calling me from heaven: “My Son, come follow me, enter the seminary.” Not at all! It’s funny because when I was a young boy I never of becoming a priest. My dad is a retired police officer, and so I my first dream was to be like him. I would like to be a soldier; I thought it would be a good idea to carry a gun around my waist, like my father.

I grew up in a Catholic family and we used to pray the Rosary every night. But I think it was my grandmother who made the greatest impact on my vocation. When she was still alive, I remember every time I come to her place she was either praying a Rosary with my grandfather or reading a Bible. Once when I told her that I joined the Altar Servers in our parish she immediately sewed me my first soutane.
Why I want to become a priest?
My friends in high school also created a great influence why I am here today. I don’t why most of friends in high school all wanted to become priests. Maybe because we just couldn’t attract girls at that time! In high school I was thinking of three things: to be a military officer, to be an architect, and lastly, to be a priest. Priest was always my last option. I could not imagine myself growing old without a wife. And also I got easily attracted with girls. So I think it was impossible for me to be a priest.

However, God’s plan is not my plan. God has a better plan in my life. I believe this is true to each one of us. Immediately after high school at tender age of 16, I entered the seminary. I spent five years of my life inside the seminary which was not really a great deal as long as we play basketball everyday. But more importantly I developed a strong devotion to the Eucharist, to Mary, and other saints and I had a deeper understanding about my vocation. To the long story short I left my seminary in the Philippines and decided to continue my training here in Australia.
Seminary Formation at Corpus Christi
In Australia in takes seven years to become a priest. Seminary academic training includes the study of Philosophy, Systematic Theology, Church history, Scriptures and Sacraments. We go for pastoral work once a week; some go to primary and secondary schools; nursing homes; hospitals; prisons; and alcoholic centers. But other than this serious business we have drama course, music practice and sports activities, we play specially soccer.

We have students from different nationalities and backgrounds we have engineers, lawyers, a doctor, accountants, teachers, and high school graduates. We begin the day in the seminary with Morning Prayer at 6:45 am, followed by 30 minute meditation and then Mass. We go to Catholic Theological College in East Melbourne to attend lectures during the day or in the evening. We are 41 altogether this year, which is a good number, and with your continuous support and prayer we will increase more in number in the next coming years.
Gospel’s Challenge
But do we really need priests today? We heard may people say that religion only divide the people. Sometimes when we talk about our faith, about God or about Jesus people ridicule us. Do we still need a Shepherd in a rich country like Australia? In a well-developed and secular society God has a very little space. As we see there is a very poor attendance of young people in Sunday Masses. I feel sad, discouraged, and challenged.
But when I watched the funeral of Pope John Paul II last week, I was amazed with the numbers of young people around the world who strongly support the pope, who are faithful to the Church. This means the Church is not dead. The Church is still alive in many hearts of young people. So, this means the Church needs more employers.
Duc in altum
Pope John Paul’s message for Vocation Sunday was always based on the theme: Duc in Altum- “Called to Put Out into the Deep.” In particular he addresses young people to follow Christ with conviction: “Trust Christ; listen attentively to his teachings, fix your eyes on his face, persevere in listening his Word.”
Conclusion
After this Mass I will make myself available Mass for those who have questions or just want to have a chat.

I brought some brochures with me, please feel free to get one or two, you may give them to your neighbours, friends, brothers, children, grandchildren…(and even to your boyfriend, perhaps God is calling him as well!)
I pray that all of us may continue to follow the voice of Jesus, our Good Shepherd, whether we are called to married life, single life, priesthood and religious life, so that we may all “have life and have it to the full.”
Post Script
Saturday. 5.30 pm Mass.
Unang hirit. Sa simula pa lang ng Misa kinabahan na ako pero alang magagawa dahil nagsimula na nga ang Misa. Pag nakikita ko ang sarili ko sa ganitong pagkakataon lagi kong naiisip, “Sa klase since elementary mas nanaisin ko pa ang mamamatay (o madapa na lang kaya) kaysa magsalita sa harapan ng mga classmates ko. Hindi ko inisip na lagi pala akong haharap at magsasalita sa tao paglaki ko…” Na-overcome ko naman ang kaba ko, lalo na nang mapansin kong biling bili nila ang jokes ko, at kahit kapag serious na ako. Mas mainam na sa tao ang medyo kinakabahan kesa sobra ang self-confidence, it’s a humbling experience ika nga pag kinakabahan ka sa public speaking. After ng Mass para akong pulitiko na bumabati sa mga tao. Kamay dito kamay duon. Kaso alang picture:(. Isang taga-Cebu na nanay ang nagpakilala sa akin kasama ang kanyang 2 anak na lalaki, grade 3 and 4, puti ang tatay nila. Nakakatuwa dahil sabi nung isang bata magpapari din daw siya.

7:00pm Mass.
Bago magsimula ang Misa may lumapit sa akin na matanda habang hinahanapan ko ng corrections ang talk ko. Winelcome nya ako sa parokya, Yvonne daw ang pangalan niya. Lumabas na ako sa simbahan para ayusin ang mga brochures. Tapos may nagpakilala na Yvonne din ang pangalan pero mas bata siya, 56 years old. Ilang sandali pa ay lumapit uli si Yvonne na matanda. Halos lahat ng pumapasok sa simbahan kilala niya at lahat ipinakikilala sa akin na para bang dun na ako titira. May nakilala akong Singaporean sabi sa akin, “Mabuhay!” Kasama niya ang dalawa niyang anak si Josh, year 12., at Erica (yata?), studyante sa Melbourne University, half-Chinese @ half-Caucasian, maganda siya, artistahin sa atin. Binigyan ko siya ng mission na magbigay ng brochures sa university na kung saan ako gumadweyt kahapon. After ng Mass mas marami akong nakilala. Natutuwa daw sila sa kwento ko. May dalawang Pilipino na nagsimba, isang buntis at isang lalaki (di ko alam kung buntis, hehe). Nalaman ko na si Yvonne (senior) ay dati palang madre sa America; lumabas at nakapag-asawa. Kaya pala iba ang karisma!Sunday.
9:15am Mass.
Nagdrive kami ni Fr. Victor sa Greenvale, around 20 minute drive ang layo. Ang ganda ng location, super sa laki ang mga bahay, parang sa abroad, kaya lang napakatahimik. Wala man lang naglalakad sa kalsada. Ang simbahan ay nasa loob ng gymnasium ng isang school, parang temporary lang pero permanent na daw ito.
Una kong nakilala ko si Maria, Italian lady, napaka-friendly niya, at naikwento na halos sa akin ang buong buhay niya. Before ng Mass busy siya sa pagwelcome sa mga tao at pagbibigay ng parish bulletin, pagtapos ng Misa busy naman siya sa kitchen may konting salu-salo kasi ang mga tao pagka-simba. Sa Pilipinas gawin ito siguradong magsisimba lahat ng mga tao…kahit yung mga nakasimba na.
Halos Italiano lahat ang mga nagsimba, may ilang Maltese, Croatian, at may 5 Pilipino na taga Quezon Province. Masaya pag katapos ng Misa dahil halos magkakakilala lahat ang mga tao. Ganito sana sa lahat ng lugar. Inimbatahan akong kumain sa bahay nung Pilipino kaso may schedule na ako. Halos lahat lumapit sa akin at nagpasalamat, bata, matanda at teen-agers.
11am Mass
(Last na ito at sa wakas makakagimik din ako pagkatapos.)
Balik uli kami ni Padre sa home parish. Nagulat ako bago magsimula ang Misa, nakita ko ang ate Hazel ko, humahangos at umupo sa pinakaharapan kasama si Joshua at Jaya. (Na-extra ko tuloy siya nung magsalita na ako.) Hindi ako sanay magsalita na nanduon ang ate ko, kasi alam niya ang mga kalokohan ko. Malakas pa rin ako sa kanya, pangalawang Misa na raw niya ito, dinayo pa talaga ako. Katouch.
Mas puno ang simbahan ngayon, ang daming tao, mas maraming Pinoy (kaya naextra din sila sa speech ko). Mas marami akong nakilala ngayon pero ala na akong matandaan sa mga pangalan nila. Ewan ko, hindi ko gusto pag nagiging-center of attraction ako, napepressure ako, gusto akong kausapin ng mga tao, nag-aantay sila, lalo na iyong grupo ng mga Pilipino. Mabuti na lang nandyan ang ate ko, pinapakilala ko siya sa kausap ko para makalipat naman sa iba. “Sana’y pala siyang mag-tagalog” sabi ng isa Pilipina. Sabi ko, “hindi po!” May mga nag-invite sa akin ng kumain sa bahay nila, may nag-invite din mag-talk sa meeting nila, pero di ako pwede. Ang saya-saya pag madaming tao. Mamaya mag-isa na lang ako sa kuwarto ko :(…pero gigimik muna ako!

Mission accomplished.

Friday, April 15, 2005

Profound longing

10:34 na ng gabi, magtatapos na ang araw, napakadilim na sa labas, tulog na ibang tao matapos ang isang araw na pagpapagal, pero ito ako ngayon matapos ang maraming nangyari sa buong mag-araw sa buhay ko hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagnanasa ko kaninang umaga pagkatapos ang morning Mass. 8:00 ng umaga ang breakfast. Pag pasok ko sa refectory nakahanda na ang magarang plastik container ng iba't-ibang klase ng cereals: sultana, wheat bix, cornflakes, all bran, atbp. Sa mahabang table nakalapag ang mga tinapay para i-toast, katabi ang fruit jams, marmalade, peanut butter, margarine, fresh milk, soya drink, fresh milk at 100% fruit juices. Lahat ng ito ay biyaya at lahat undoubtly ay healthy foods.

Apat na taon na akong kumakain nito sa umaga pero ngayon parang hindi ako masaya. Iba ang hinahanap ko, may namimis ako, iba ang gusto ng puso ng sikmura ko (kung may puso man siya). Simple lang naman ang hangad ko ngayong umaga, pritong longanisa, mainit na sinangag at sasawan na patis na may kamatis. Namiss ko ang luto ng Ina ko. At kahit na hindi luto ng Ina ko basta masarap na pritong longanisa, mainit na sinangag at sasawan na patis na may kamatis.
Nakakatawa. Bukas kakalimutan ko na ito dahil hindi na nakakatawa. Kailan kaya ako gagraduate sa paghahanap ng pagkaing Pinoy? Siguro lifetime cravings na ito? Graduation ko na nga pala bukas. Pinipilit ko na maging memorable ang graduation ko bukas sa Melbourne University but I don't find it a big deal.

Tatlong graduations na naatenan ko. Bukas ang pang-apat. May natutunan ba ako? Ni minsan wala akong nakamit ng academic awards. Ano kaya ang mga natutunan ko?
Una graduation sa elementary. Natatandaan ko lang nun may picture ako kasama si Amada, Stella Marie at isang kamay ng Ina ko na nakaturo sa mukha ko. Concern kasi ang Ina ko na maging maganda ang kalalabasan ng itsura ko sa picture. Ang pasigaw na paalala niya sa akin ay "O ang nguso mo itikom mo." Bukas tatandaan ko po iyan sa picture taking namin.
1994 Highschool graduation. Dito marami akong ala-ala na sana ay maulit-ulit muli. Apat ang awards ko loyalty, service award, artist of the year at religion awardee. Proud siyempre ang Ama't Ina ko sa ilang pag-akyat sa stage kahit na ang lahat ng ito ay WALANG kinalaman sa academic excellence.

1999 ang taon na gumadweyt ako ng Bachelor of Arts Major in Philosophy. Ito na siguro ang pinakamasaya sa lahat. Mula sa opening ceremony, Mass, progamme proper hanggang sa matapos ay liglig ng magagandang ala-ala. Ang batch namin ang nagpuyat sa pagdedesign ng stage sa bagong gawang gymnasium, ako ang nagdesign ng higanteng letter cut-outs at giant logos ng dalawang departments. Pinaghandaan namin ng maigi ang araw na ito para sa aming mga pamilya, kaibigan, kamag-anak, at kakilala ng kakilala ng kapitbahay namin. Masaya ang graduation sa seminaryo fiesta! Kasabay ng pagdagsa ng tao ay pagdagsa ng mga pagkain. Nung araw na iyon dumagsa din ang ulan!

Bukas magtatapos naman ako ng Bachelor of Theology pagkatapos ang di matapos-tapos na mindblowing discussions sa sytematic theology, biblical exegesis, Church history at walang katapusan na essays (di pa rin pala tapos dahil nag-aaral pa rin ako for MA). Enjoy naman pero nakakahilo at nakakaantok, at higit sa lahat rewarding both intellectually and spiritually.
Ang tanong. May natutunan ba ako? Kung nagkinder ako may mas natutunan kaya ako? Naging mabuting tao ba ako?

Isa lang ang malinaw kong natutunan. Habang nag-aaral ako lalong nabubukas isip ko sa realidad na napaka-dami ko palang hindi alam. In short lalo akong nagiging engot. Dahil nakikita ko ang kaliitan ko bilang tao sa ilalim ng isang nagpapahayag ng katotohan- ang Intelectual Being.

Education is a continuous unveiling of my ignorance and it is a fascinating experience. Kaya nga curious akong malaman kung ano at paano mag-isip ang mga matatalinong tao. Swerte nilang tunay. Nakakaiingit.
Pero mas swerte pa rin siguro ako kung bago ako matulog ngayon ay may makakain akong pritong longanisa, mainit na sinangag at sawsawan na patis at kamatis.

Thursday, April 14, 2005

Intellectual

Paano kaya mag-isip ang mga matatalino? Ito ang tahimik kong itinatanong sa sarili ko nung mga nakaraang araw. Ano kaya, tinatanong din kaya ng mga matatalinong tao ang ganitong tanong? Intellectual inquiry ba ito? Siguro hindi kasi hindi naman ako matalino. Curious lang ako. Parang naitanong ko na ito sa akin nung highschool pa ako. Siguro nung fourth year ako. Ito ba yung tinatawag na de javu?
Pero ito totoo.

Si tinagal-tagal ng panahon ng pagninilay nalaman ko din ang sagot - "Slow learner" pala ako. Nakakainis, pero nakakatuwa dahil muli akong nagtanong: "Bakit ngayon ko lang nalaman?"

Tuesday, April 12, 2005

Ang amoy

Maikli lang ang entry ko ngayon. May mas mahalaga kasi akong ginagawa. But for the sake of writing down my thoughts of the day eto magsisingit lang ng konti. May maliliit at napakasimpleng bagay pala na kayang mag-bigay sa iyo ng kakaibang mood o lalim ng pagtingin sa pag-iral (lalim nga). Halimbawa sikat ng araw, alinsangan, tubig, bulaklak, mahabang buhok, huni ng kuliglig, paglingon, ngipin, kuto, polobo, at marami pang iba. Kagabi kasi sa Holy Hour sa chapel namin na bagong varnish ang wooden floor ay talagang amoy na amoy ang chemical ng varnish paint. Masakit sa ilong ang amoy pero iba ang dating nito sa aking damdamin. Bakit? Kasi amoy floorwax ang dating sa akin nung varnish. Bumalik sa aking ala-ala ang highschool days lalo na tuwing hapon na isa ako sa cleaners ng room.


Magpofloorwax kami tulad ng ibang mga cleaners iba't ibang section at year level. Ang mga girls maglalagay tubig sa water plants na nasa garapon. Nakasalansan ang mga maruruming basahan sa maruming cabinet kasama ng maruming bunot. Ang amoy ng varnish na naghatid ng amoy ng floorwax ay naghatid din ng ala-ala ng aking crush sa school. Masaya at malungkot naalala ko ang mukha niya na matagal ko ng gustong makita uli pero ibang topic na iyon.
Mahirap pag samahin ang floorwax at ang isang magandang binibini.

Sunday, April 10, 2005

Procrastination

Di ko alam kung mahilig ba akong sumulat o inspired na sumulat o dahil sign lang ito ng procastination (tama ba ispiling?). Nuong umuwi ako sa Pinas lagi kong sinasabihan si Cune, siya ang bunso namin, "Cune nagpoprocastinate ka naman!" Pero eto ko ngayon "nagbloblog" e my essay ako na dapat gawin NGAYON. Due na ito sa Tuesday para sa subject ko sa Theology na "Developing Ethics of Solidarity." Kasi naman napakahaba ng mga materials na binabasa ko like Rerum Novarum (sinulat Pope Leo XII), Laborem Exercens (John Paul II), at iba-iba pang reading materials at documents tungkol sa social justice issues.

Sana bumalik na lang ako sa pagiging grade one sa Pulilan Central School. Simple ang buhay. Mas kaya kong sumulat ng alphabet na very neat gamit ang matabang Mongol pencil kesa mag-sulat ngayon ng theological papers. Isa pa kung babalik ako sa grade one mas malaki ang tsansa na makita ko ang naiwala kong photo album na magpapatunay na hindi ako ampon ng ama't ina ko. At kung makikita ko ito hindi na ako paulit-ulit na kokonsenyahin ng uliran kong ina sa pagkawala ko ng mga childhood photos ko! Imagine mula 1984 hanggang ngayon ini-interogate pa ako ng ina ko sa lintek na photo album na iyon. Gusto ko ba iyon? Ayoko na sa grade one uli...hehe.

Di ko na matiis kanina. Humingi ako ng divine intervention kay Lord. Dali-dali akong nagbisekleta patungo sa St. Francis Church sa city para magsimba. At may bonus pa, nakita kong walang nakapila sa kumpisalan kaya dumiretso na ako sa confessional box. Ito ang mga ikinomfess ko kay Father Murphy (okey sa alright ang tag-lish ko a!).....

Sorry, di uso tsimis dito.

Tapos na ang Misa, biglang kumalam ang sikmura ko kaya kailangang humanap ng makakainan. 7pm na iyon so its fair enough naman kailangan na talagang kumain. Nagpunta ako sa Wingloong restaurant sa China Town. Grabe puro Chinita ang mga Chinese duon para akong nanunuod ng soap opera sa Pinas. Maraming magagandang Chinese na nagkalat sa daan (as in di pirated Tsinita, pure Chinese talaga!) May kumain din na Pilipino sa restaurant dahil narinig ko na sila na nag-Tagalog pero mukhang Bumbay naman sila (pirated). Teka, required ba na isulat ang buong detalye dito sa blog? Ako lang naman ang bumabasa nito e.

Anyway, tuloy pa rin ang procastination ko.

Basta sa ngayon na-iinggit ako sa mga batang Filipino Journalists lalo na Inquirer. Ba't ang gagaling nilang sumulat. Ano kaya ang kinakain nila? Siguro hindi lang occupation ang pag-susulat para sa kanila kundi ito ay passion nila. Sana ako din! Pero sa ngayon dapat maging passion ko na ang pag-sulat ng essay sa Theology. Haleer bro! Di ba gagraduate ka na sa 15 April, next Friday, sa Melbourne University ng Bachelor of Theology eh ba't ngayon mo lang naisip yan. Oo nga ano?

O sige na nga, passion kung passion.

Ayan sa isip ko sinisigawan na ako ni Cune, "Kuya nagpoprocastinate ka!!! Tigilan mo na ang blog blog mo!!!"