Sunday, August 12, 2007

Pananatili

Mahal kong,

Huwag mong naising lisanin kita; wala 'kong hangaring ika'y mag-isa. Sa'n man magtungo, ako'y sasabay, magkabalikat sa paglalakbay. Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo, yayakapin ang landasin at bayan mo. Poon mo ay aking ipagbubunyi at iibigin nang buong sarili. Sa'n man abutin ng paghahanap, ikaw at ako'y magkasamang ganap. Ipahintulot nawa ng Panginoon: ni kamataya'y maglalaho, anino ng kahapon. Dahil pag-ibig ang alay sa 'yo, mananatili ako. H'wag nang naising tayo'y mawalay, h'wag nang isiping magwawakas ang paglalakbay.+

Nagmamahal,



+titik ni Noel Miranda; inawit ng Bukas Palad

No comments: