Nakatanggap ako ngayong umaga ng newsletter ng Bahay at Yaman ni San Martin de Poress na ipinadala ni Fr Boyet Concepcion. Si Fr Boyet ay pari sa Bulacan na kilalang-kilala sa kanyang kabanalan. Tagapaglingkod siya ng mga mahihirap, mahihina, matatanda at mga batang lansangan sa Bulacan at maging sa Metro Manila. Itinayo ni Fr Boyet ang Emmaus House sa Malolos, para sa matatanda; Galilee Rehabilitation Center sa DRT; Ephesus Home para sa mga "abused children"; at ang Bethlehem House of Bread, sa Baliuag, na nagkakalinga sa batang iskwater.
Ang kasalakuyang proyekto ni Fr Boyet ay ang St Martin de Porres sa Bustos, Bulacan, na kumakalinga sa 70 batang paslit na walang pamilya o tahanang matutuluyan. Nuong isang taon ay nagkapagmisa ako kasama ni Fr Boyet sa Pulilan. "Hindi ako nag-asawa" sabi niya sa homilya, "ngunit tignan ninyo ang daming kong anak na inaalagaan."
Nakaraang buwan sa aking pag-uwi sa Pulilan napansin ko ang mga batang ito na namumulot ng mga karton sa tapat ng simbahan. Hanggang tenga ang kanilang mga ngiti. Parang hindi nila dama ang kahirapan at mga bagay na ipinagkait sa kanila ng lipunan - ang pagkakataong mag-aral, mag-laro, kalinga ng magulang, at maging mga bata. Naalala ko si Fr Boyet. Kung nakita nya siguro ang mga batang ito baka isinama na nya sa kanyang tahanan.
Bahay at Yaman ni San Martin de Porress
Claro Santos St.,
Bonga MenorBustos,
Bulacan, 3007Philippines
For Correspondence: P.O. Box 6231, Bustos, Bulacan
website: http://www.stmartinproject.org/
Fr. Boyet's email: boyetcon@yahoo.com
Wednesday, June 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Thank you for sharing Fr Boyet's email. Ü
Post a Comment