Friday, April 11, 2008

Paalam Fr Robert del Rosario

Don Robert,

Musta na?

Pasensya na di ako nakapunta sa Misa Pasasalamat sa iyo kanina. Pero nakapunta naman kahapon dyan sa Balanga ang Ama't Ina ko. Nakausap daw nila ang Tatay at Tita mo. Gustong gusto ko talagang pumunta sa iyo kanina para magpaalam. S
ayang si Bishop Soc pa naman ang nag-misa. Pinagpala ka at isang banal na obispo ang nagmisa sa iyo. Di ba binanggit ko sa iyo dati hinahangaan ko si Bishop Soc at lagi kong nagagamit ko ang mga libro niya sa homily ko dito.


Sayang ipapakilala mo sana ako sa kanya ng personal pag-uwi ko: if narito ka uli sa Pilipinas, just tell me and maybe we can arrange schedule for a visit to Bishop Soc. he is very much cordial and warm to receive you. (Jan 15 2008 3:08pm) Di bale, makikila ko din si Bishop Soc sa ibang pagkakataon.

Natutuwa ako at nakarating ang mga libro na ipinadala ko sa iyo. Salamat sa walang hanggang pasasalamat sa email mo sa akin kahit nakapasimpleng bagay lang ang naicontribute ko school na itinatayo mo dyan:

thank you po ng marami and pls extend my sincerest gratitude din sa mga friends mo na nagbigay ng book for our school! rest assured of my prayers for you and for them!!! thanks po uli (March 26/2008 1:23 pm)

Pasensya na Don Robert itinawag ko sayo kasi lang nuong mga nakaraang araw binalikan ko ang mga ala-ala mo nuong nasa ICMS pa tayo. Sa seminaryo Don Robert ang tawag ko sa iyo, bihira kitang tawaging kuya kahit senior ka sa akin ng ilang taon.

Naalala ko tuloy sa seminaryo lahat na lang napapansin natin at ginagawang katatawanan, kaya masaya tayo kahit na nasa "loob". Kahit sino may kanya-kanyang tukso. Tulad mo – Don Robert, Jaworski, at higit sa lahat ang di mo matanggap na kalbo. Maaga kasing umangat ang hairline mo e. Tampol ka lagi ng biro dahil lagi kang cool (minsan/madalas din ay pikon). Natatandaan ko nung first year college ata ako nun pagkatapos ng community night prayer natin e bigla kang nagsalita ka sa lecturn. Sabi mo sa community bawas-bawasan na natin ang biruan. Tulad ng inaasahan nagpalakpakan at nagsigawan pa kaming lahat! Sigurado akong walang pari nung oras na iyon.

Isa pa, tuwing ikaw ang tutugtog sa Misa kabisado na namin ang recessional song - ang walang kamatayang “Tell the World of His Love” (kahit apat na taon nang lumipas ang World Youth Day!).

Ngayon ko lang din naalala lagi kang nakatuck-in at laging puti ang tshirt mo. Style.

Tsk tsk. Matagal nang lumipas buhay natin sa seminaryo. Lahat ng iyon lilingunin na lang sabay tawa. Mga pari na tayo ngayon...


Hindi ko na hahabaan pa ang sulat na ito. Hindi mo naman ito matatangap e. Saka di naman ganito ang style ng mga sagot ko sa mga email mo sakin. Inaaliw ko lang ang sarili ko dahil hindi ako naka-attend sa Misa Pasasalamat at libing mo.



Hindi ko maitype ang salitang “libing” para kasing di bagay kasi parang buhay ka pa.



Nagdadasal nga pala ako ng night prayer nang magtext sa akin si Patrick nung Lunes. Sabi nya “Fr. Robert del Rosario passed away. Pls. Pray 4 his repose.” Hindi ko ito agad pinansin tinuloy ko lang ang dasal ko. Siguro mali ang balita. Siguro ibang pari iyon. Siguro hindi ikaw iyon. Matagal bago tumimo ang katotohan. Pero nang tinawagan ko si Patrick sabi nya ikaw nga.

Nakakalungkot pala ang mamatayan ng isang kapatid na pari. Lalo na iyong halos kasabayan mo lang maordenahan. Gusto kong i-quote dito ang isang parte ng sulat mo sa akin dati. Pabiro iyon pero may lalim.

musta na ang aking kapatid na pari? well, today i am celebrating the 1st day of the 11th month of my priesthood hehhehee...everything has been a blessing to me despite my shortcomings and sinfulness...well, pinag-UUBRA lang naman tayo talaga ng Diyos for his purposes and plans. but im trying to be an OBRA of his hands, a beautiful masterpiece of his. let's contunue praying for each other for us to be always docile to him.(Jan /10/2008 12:18 pm)

Ako din araw-araw pinag-uubra lang. Isa ka ng OBRA ngayon kapatid! Kahanga-hanga namatay kang isang pari. Congratulations!

Hanggang dito na lang Don Robert, alam ko daig mo pa ang totoong Don diyan dahil nakamit mo na ang tunay na kayamanan.



May you rest in peace with our Good Shepherd.


Pray for us Fr. Robert!











.
Read the report of his death

3 comments:

rosario said...

LIKE YOU SAID, "PAALAM FR. ROBERT DEL ROSARIO!" WE LOVE HIM SO MUCH AND WE'RE MISSING HIM A LOT! HE WAS A GOOD AND JOLLY PRIESTS. SAYANG, KINUHA KAAGAD SIYA NI LORD! LAGI NAMIN SIYANG DINADALHAN NG FLOWERS AT CANDLES. WE KNOW HE'S HAPPY NOW, PAANONG HINDI? KASAMA NA SIYA NI LORD SA HEAVEN. HE'S PRAYING FOR US. SALAMAT PO FATHER KAHIT DI PO NAMIN KAYO KILALA NAIYAK PO AKO SA MESSAGE NINYO SA KANYA. WE LOVE HIM AND CONTINUE LOVING HIM KAHIT WALA NA SIYA. WE'LL PRAY FOR YOU TOO AND INGAT PO LAGI!

John Joel said...

Salamat din sa iyo Rosario.

allen said...

Thank you so much fr.robert for all the good memories,the laughter that you shared with us...Sto.Rosario Parish will never forget you...especially me i'll never forget you...tnx s pagturo mo po ng keyboard kht lgi me mali mali di k npgod...tnx po...sori di me nkapunta nun syo kc layo m eh!miz u fr.Robert!!we'll pray for u!!pray for us too..bye and i will miz u till we meet agin!!