After I said my prayer I took my guitar, played and sang this song, which I used to sing with my brother seminarians as communion hymn... We were called young, vulnerable, and often struggling to follow and obey the divine will of God. Kumusta na kaya sila?
AWIT NG PAGHAHANGAD
O Diyos Ikaw ang laging hanap,
Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.
Ika’y pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.
Koro:
Gunita ko’y Ikaw Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak (umaawit akong buong galak/umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.)
Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo,
Kaligtasa’y t’yak kong hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari ang Diyos S’yang dahilan.
Ang sa Iyo ay nangakong galak yaong makakamtan. (koro)
Charter Change Rally in 1998. Hanapin kung san ako.
No comments:
Post a Comment