Homilya ni Fr. Norman J. Baldoz.
Si Fr. Norman ay isa sa aking paboritong pari. Siya ay naging guro ko sa seminaryo. Magaling siyang mag-kwento, nakakaaliw pero may lalim. Masarap kalaro si Fr. Norman sa basketball lalo na kung magka-team kayo - mahusay siya sa long shot.
Kung si Jesus ay may Pitong Huling Wika, ngayon sa pagtatapos ng PY 2 may dalawang wika lang ako para sa mga magsisipagtapos ng programang ito.
Apat na taon ng nakakalilipas, sinubukan na itong isara, huwag nang ituloy. Maraming kontra. Apat na taon ng nakalilipas, ganito pa rin ang panananaw ng marami. Nang napag-usapan kung itutuloy ba ang PY2, kasama ang mahal na Obispo na nagkaisa na isara na ang PY2.
Ngayong magsasara na ang pinto ng Plaridel para sa PY2, narito ang Dalawang Huling Salita.
Una, huwag limutin si Jesus. Sa ating pagsusumikap na makapagdasal, at tumahimik, ang pakikipagbuno araw-araw sa Holy Hour, ang pagsusulat sa Journal, at ang pakikipagtagpo sa Diyos araw-araw sa Examen Consciousness at Lectio Divina….Sana ang nakuha natin ay hindi kung ano ang pagdarasal, o kung ano ang dapat dasalin.
Sa inyong pananatili rito sa PY2, mas higit sa mga ito ang ginawa natin—nakipagtagpo tayo kay Jesus. Na kasabay pala natin siya sa ating saya, at lungkot, sa ating tagumpay, at maramin beses na pagkakalugmok, sa ating katahimikan at sa ating pagkalito.
Naranasan natin si Jesus. Sana ay huwag nating kalimutan si Jesus.
We give up what is most important for us to what we want at the moment. Yung pinakamahalaga sa atin ay napagpapalit natin sa walang kwentang bagay. Nakakalungkot pero yon ang nangyayari. Huwag nating ipagpalit si Jesus.
Pangalawa, lumipad ka. Malaya ka na. Lumipad ka. Pag nakilala kasi natin si Jesus….nagiging malaya tayo.
Pang labing-anim na taong pari ko na sa darating na Aug. 3. 16 years na po at karamihan sa mga taong ito ay nasa seminaryo ako. May ibang kasiyahan po yung nasa seminaryo.
Ano po yung kaligayahan ko sa seminaryo? Yung nakikita ko pong pagbabago sa seminarista. Dito sa PY2 ay kitang-kita po yan. Mula sa PY1 at galing man sa minor seminary…papasok ng Hunyo na mahiyain, kinakabahan, natatakot, hindi sigurado sa sarili….pero habang nagtatagal…unti-unti, hindi biglaan, at hindi pwersado…napapagmasdan ko ang pagbabago. Masarap ang pakiramdam. Maramdaman nilang mahal sila ng Diyos. Nang nagkaroon kami ng evaluation ito ang mga salita nila: mas nalapit sila sa Diyos. Isasara man ang PY2, kung isip man nila ay hindi epektibo ang programa, sapat na sapat na ang mga salitang ito sa lahat ng aming hirap at pagod.
Kaya nga kayong magsisipagtapos…ngayong malapit na kayo sa Diyos, maging malaya kayo. Lumipad kayo. Hindi na kayo mga inakay, o mga sisiw…handa na kayong lumipad ng lumipad.Sa buhay natin, sa labas man o sa loob, may mga taong sisirain ang loob n’yo. Matatakot kayo sa mga sinasabi. Nagugulat ka sa mga nangyayari. Maaring manghina ang loob mo. Maaring mawala si Jesus. Maaring bumitaw kayo. Makuntento na lang sa buhay. Hindi na maghangad na mabago ang sitwasyon. At maaring masabi, kapag sumuko ka na, na isang malaking drowing ang PY2.
Pag ganito ang nangyayari na, alalahanin mo yung mga ginawa natin rito…at mas higit kung ano ang ginawa ng Diyos sa atin. Magtiwala ka. Maging totoo ka sa sarili mo. At Lumipad ka na parang agila. Ang agila man, lumipad man ito ng matagog, at kahanga-hanga…lumalapag din, dumadapo. Sana ang bawat pagsubok o paghihirap….ituring mong paglapag, pagdapo…para lalo pang lumipad at lumipad. Hindi ka na sisiw…agila ka na.
Wala akong kwento pero meron akong kanta. Baka mas maalala ito. Narito ang buod ng sinasabi ko sa inyo.
you with the sad eyes
Don't be discouraged
Oh i realize
It's hard to take courage
In a world full of people
You can lose sight of it all
And the darkness inside you
Can make you feel so small
But i see your true colors
Shining throughI see your true colors
And that's why i love you
So don't be afraid to let them show
Your true colors
True colors are beautiful,
Like a rainbow
True colors are beautiful,
Like a rainbow
Dalawang Huling Wika. Baunin nyo ito
Saturday, March 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment