Friday, October 20, 2006

Tikas Pahinga

Isang umaga ay binati ako ng rektor ng seminaryo. Sa Tagalog, sabi nya, "Binabasa ko ang blogs mo." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig (pero di ako nabasa). Hindi ko alam kung paano siya naka-access dito (buti na lang Tagalog ito at hindi niya ito maiintindihan). Nagulat lang ako dahil hindi ko iniisip na may ibang lahi pala na nakakabasa nito. Hhmm..bigbrother is watching.

Hanggang ngayon ay iniisip ko na ako lang ang nagtitiyagang bumasa ng blog entries ko. Para kasing nanliit ako pag may nasasabi sa akin na nababasa nila ito. Nanliliit ako dahil una mahiyain ako by nature (sabay yuko) at pangalawa dahil alam kong guilty ako sa pag-murder ng English grammar. Buti na lang walang fine kundi galit galit na tayo.

D' best ang araw na ito. Dalawang beses akong kumain ng seafood. Nag-lunch ako sa isang sikat na Italian restaurant na ngayon ko lang nalaman. Dahil sa may naglibre sa akin ang inorder ko ay Lubiedo marinara (imbento ko lang ang lubiedo nakalimutan ko kasi) na "award winning prize dish" daw. Hindi ko na idedescribe para mystery.

Ikalawa, nagdinner kaming mga bagong orden na pari kasama ang mga pari ng seminary (kalevel na namin sila -- yabang!). Ang inihanda ng chef namin ay seafoods meal. Grande! Alupihang dagat at prawn (na kapwa biniyak), salmon, mussels, hipon, etc. blah-blah ekek (quoting Cune). Ang drinks ay red and white wine, chiraz, etc...at kaya ko naisulat ang entry na ito ay dahil sa mga nabanggit. Ayan, nahihilo na ako. Bow.

Suportahan natin ang World Youth Day 2008 sa Sydney. Sana maraming Pinoy at Pinay ang makapunta.

No comments: