Wednesday, May 10, 2006

Vocation Crisis 101

"Vocation crisis is like a "desert place" where we solely depend upon the divine providence of God as He alone knows the oasis of life hidden at the next bend of the road."
-- quoting myself

"Vocation crisis can either break you or make you a fuller being."
-- quoting myself

"Vocation crisis is a blessing...especially when it teaches you how to love eternally without requiring anything in return..."
-- again quoting myself


Ang sumusunod ay "excerpt" mula sa aking email sa aking mabait, maganda at kahanga-hangang kaibigan na si Pinky Marie nuong Jan 23, 2000 1:40 pm


******

Nasa gitna ako ng ikinakasal at ng tatlong pari na nagkakasal, nagdarasal ako na parang ganito ang sinasabi sa ko sa Kanya, “Lord saan mo ba ako gustong ilagay, dito ba sa isa o sa isa.” Napakaganda pa ng background music, naiiyak pati kaluluwa ko. Gusto kong lumagay sa parehong bokasyon pero in that instance nasabi ko na mas lumamang pa rin ang bokasyon ng pagpapari kahit kaunti.Subalit patuloy pa rin ang pagmamanman sa nagaganap sa aking kalooban.

*******
........“Father I am in love.” “Kanino?”, sabi niya. Tinanong ko kung natatandaan niya ng prayer na iniwan ko sa kwarto niya at kinuwento ko kung paano tayo nagkakilala, nung hinanap ko ang bahay ninyo at una tayong nagkita, yung pangalawa sa Bethany, sa Exhibit ni Badong, sa “Jollibee take-out”, sa bahay ninyo, sa Sta. Isabel at sa phone. I told him that we have a very prayerful friendship and that you are one my answered prayers.
.....Ipinakita ko ang pictures mo at sabi, “eh kilala ko ito!” sabay sampal sa akin.

........ “Ano ngayon ang gusto mong gawin?” tanong niya. Sabi ko gusto ko po na mai-express sa kanya/sa iyo ang love na ito na naaayon sa Kanyang kalooban. “Ano pong gagawin ko?”, tanong ko.

........“Ligawan mo” tugon ni Father (kung will talaga ni God Pinks, friends pa rin tayo kahit hindi mo ako sagutin ha! Sige na…). “Paano po di bibigyan ko ng bulaklak?” “Father marami na po’ng nanliligaw sa kanya makikigulo pa ba ako saka nagdidiscern din siya?”
.........“Paano po nag-promise ako na I will love her unconditionally magkakaroon ng contradiction?”

........Basta sabi niya na malaya ako ngayon dahil nasa labas ako ng seminaryo na walang mga pari na laging nakabantay sa amin, ito yung pagkakataon na mag-explore upang mas makita ko ang aking sarili.

......“Hindi kaya unfair naman on her part dahil diko pa talaga sure kung sa priesthood ako at kung mag-ggf man ako gusto ko sana siya na ang magiging partner ko for life e hindi ko pa naman sure kung married life ang vocation ko?”

.......... Sabi niya dapat sabihin ko sa iyo, “Eto ako mahal kita, pero hindi ko alam kung saan ang bokasyon ko, at para sa iyo ako ay nagtataya at sana ikaw din ay magtaya para sa akin.”

..........Sabi din niya, “malay mo kayong dalawa pala…kung hindi naman ay marami ka pang mamemeet” “Siguro, Father takot lang po akong mag-taya” tapos ko.

..........Around 3:30pm dumating si Odra at Dennis at inubos namin ang pagkain ni Fr. Egai sa fridge niya. Pagkabusog ay nagpaalam na kami kay Fr. Egai at kumain uli kami sa Minor Seminary....


******


PRAYER OF THOMAS MERTON

My Lord God,I have no idea where I am going. I do not see the road ahead of me nor do I really know myself. And the fact that I think I am following your will does not mean that I am actually doing so. But I believe that the desire to please you does in fact please you. And I hope that I will never do anything apart from that desire. And I know that if I do this, You will lead me by the right road though I may know nothing about it. Therefore will I trust you always though, I may seem to be lost and in the shadow of death. I will not fear, for you are ever with me, and you will never leave me to face my struggles alone. Amen.

No comments: