Dalawang libro ang kasalukuyan kong binabasa sa ngayon. Una ay Viajero na isinulat ni F.Sionil Jose. Talagang saludo ako sa kalidad, talas at liksi (kung tamang salita ito ) ng pagsulat ni F.Sionil Jose--parang nasaloob ako mismo ng kanyang nobela. Sa pinagsama-samang titik, salita at pangungusap ay kaya niyang dalhin hindi lang ang imahinasyon kundi pati ang damdamin at pagkatao ng mambabasa.
Kahit na sinisimulan ko palang basahin ang Viajero ay inirerekomenda ko na ito sa bawat Pilipino o sa may nais makilala kung ano at paano maging Pilipino.
****
Kasabay ng Viajero ay binasa ko din ang librong kapapublish lamang ngayon buwan na ito. Ang pamagat nito ay "For a House Made of Stone" na isinulat ni Gina French. Hindi batikang manunulat si Gina kumpara kay dakilang F.Sionil Jose. Bagamat isinasalamin ni Gina ang milyon-milyong Filipino na nagtataya at nagbabiyahe -- sa Pinas o sa buong panig ng daigdig -- araw-araw upang makamit ang maginhawang pamumuhay.
Tubong Sorsogon si Gina at dahil sa kahirapan ay nagtrabaho sa Maynila bilang bar dancer at prostitute. Nakakabagabag ang bawat pahina ng istorya ni Gina -- kwento ng pagpupunyagi, kahirapan, pagmamahal ng isang ina sa anak, pag-asa at paghahanap ng kaligayahan. Tahasan niyang isinulat ang kanyang buhay na naglalarawan o kung hindi man ay nagpapahiwatig sa milyon-milyong "Viajerong" Filipino.
***
Discription na nakasaad sa likod ng librong "For a House Made of Stone"
"....Gina's dream takes her from her birthplace in the Philippine mountains, via the bars and dance halls of Manila, to the jetset worlds of New York and Brunei. Gina's life changes dramatically and forever when she falls in love with a wealthy Englishman who persuades her to marry him and bear his son. All at once she finds herself stranded in the cold and hostile world of the north of England, trapped with a man who seems more and more determined to hurt her and her child. Driven close to madness by her husband's violent attacks, Gina stabs him. Suddenly she finds herself facing a murder charge in a foreign land . . ."
No comments:
Post a Comment