Wednesday, February 01, 2006

Discovery

Habang nakikikain ako kagabi sa bahay ng kaibigan kong mag-asawang Malaysian-Chinese ay pinapakinggan ko silang mabuti kapag nag-uusap sila sa kanilang dialect. May mga salita akong narinig na pamilyar sa akin kaya tinanong ko sila kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Laking gulat ko nang malaman ko na tugma ang kahulugan nila sa wika natin.

Ilan sa mga ito ay sumusunod:

ba
na
tali
sayang
inum
mahal
mura
anak
sabon
lima

Ang iba naman ay napakalapit ng tunog:

dalawa: duwa
apat: ampat
luya: udya

Galing! Manghang-mangha talaga ako. Buti na lang napigilan ko agad ang maiyak.

No comments: