My Dear Diarya,
Ang mga ginawa ko ngayong araw na ito ay:
Gumising ng 6:05, 6:10, 6:15 at 6:20 ng umaga, naligo at nakaabot sa naman sa 6:45 Morning Prayers. Nagmeditate ng 30 minutes (partly nakatulog “sleeping with the Lord”) sa Gospel reading of the day: “The Lord’s Prayer (Lk 11:1-4). Pinaulit-ulit kong sinasabi sa isip ko “Lord, teach us to pray.” Tapos Misa ng 7:30.
Nagbreakfast ng ‘darak at conditioner’ (tawag ko sa cereals, cornflakes and the like). Habang kumakain ng ‘patuka sa manok’ naki-epal ako sa grupo ng mahihilig sa morning quiz bee sa newspapers. Napanis laway ko. Out of 15 questions isang lang ang nasagot ko naunahan pa ko ng one split second. Tanong: “Notably what soldier was ordered from the Philippines to Australia in 1945?” Answer: Douglas Mac Arthur. Yabang! Yun pa di ko masagot.
9am. Naka-set na ang books, notes, articles at ang pinahiram sa akin na laptop computer na kailangan ko pag-gawa ng assignment essay. Kinakailangan ko kasing lumabas ng kwarto ko dahil kung hindi ay mag-poprocrastinate lang ako (kagaya ng ginagawa ko ngayon).
Around 10 am tinawagan ko ang favorite kong classmate na babae nung highschool na isa ng nurse sa L.A. Halata ang American accent niya habang umoorder ng Piattos, Chippy, pusit at chichirya sa pinsan niya na nasa kabilang linya. Ang cute! Binigyan ko siya ng konting updates tungkol sa classmates namin at ilang contact numbers nila. Sinabi ko na naging crush ko siya nung hs pero di naman siya naniwala at naiba ko naman bigla ang topic.
11.30 nasa recreation room na ako. Nakapatong ang laptop sa table-tennis board at ready na talaga akong magsimula. Dumating si Fr. Fabian para mag-init ng kanyang paboritong niyang Indian cuisine lunch. Lunch time na pala! Dumating din si Anh, 5th year seminarian from Vietnam para magsaing ng rice. Pag-lunch kasi dito sandwich lang pagkain pero solve na dun ang mga Aussies! Matamlay ang mukha ni Anh nang makitang ubos na ang stock ng bigas. Nagvolunteer ako ng kumuha ng bigas dahil gutom na rin ako.
11.45 naglakad ako papunta sa grocery store. May nadaanan akong tindahan ng mga formal dress for men. Tumingin ako ng formal suit. May inirecommend sa akin ang may-ari. Nang itanong ko ang price ay dali-dali akong lumabas. Suit & trousers: $995.00 (multiply by 40 pesos= P39,800!!!)
12:30 pauwi nako bit-bit ang 10 kilos na rice. Maraming ala-ala ang bumalik habang naglalakad ako pauwi. Naalala ko pag-iigib ako ng tubig nuong wala pa kami gripo sa bahay. Naalala ko si Renalyn B., crush ko nung grade 5 na nakakasabay ko minsan sa pagbili ng pandesal, mantika, Maling o itlog sa malapit na sari-sari store tuwing 5:30 ng umaga. Pagbalik ko sa recreation room wala na si Anh. Tinawagan ko siya bakit ang napaka-tagal ko daw. Akala niya sa kitchen lang ako kukuha ng bigas! Buti di siya umiyak. Naalala ko bigla ang Vietnam Rose.
1:05pm nag-internet ako habang inaantay maluto ang sinaing ni Anh. 2:00pm nang matapos akong maglunch. Bumalik ako agad sa kwarto ko—this is the biggest mistake I ever done today. Dahil pag ganitong oras nagiging time-space-war ang kwarto ko. Nagkamalay na lang ako bandang 3:30pm sa dami ng tumatawag phone ko at isang text message na mula kay Pinky.
4:00pm. Hinakot ko na pabalik sa kwarto ko ang laptop at mga books na kailangan ko sana sa pag-gawa ng essay. It’s unbelievable. This can’t be true! (sabi ko sa sarili ko.) Wala akong nagawa.
4:30pm nasa city ako para maghanap ng suit and pants na isusuot para sa kasal ko sa Saturday (actually pag-katapos ng kasal ko). Marami akong pinasok na stores sa Melbourne Central (mall). Nagulat ako may mas mataas pa pala sa unang price nanakita ko kanina— suit lang $1,099 na! (o P43, 960). Ang budget ko ay $200 lang (bigay ng ate ko).
Sa kalalakad ay nakasalubong ko si Tita Heide, kaibigang kong Filipina. Sinamahan niya ako sa paghahanap ng damit ko. Kailangan kong magmadali dahil may evening prayers kami ng 6:00pm. Ang pinakamura ay $349+15 (alteration of trousers)= $360. Pero $150 lang ang binayad ko si Tita Heide na ang the rest. Gift daw niya sa akin. Ang bait niya talaga. Is this part of the hundredfold which Christ was saying about those who have left their family, friends and loved ones for the sake of God’s service?
6pm. Evening prayer. The magnificat anthiphon is “The Almighty has done great things for me; Holy is his name.” Very true indeed!
7:20pm. Tumawag ako sa mga friends ko para iconfirm kung makakarating sila sa kasal ko this Saturday. Habang kausap ko ang isang kaibigan kong Pilipina, narinig ko sa TV nila si Toni Gonzaga. Pinoy Bigbrother na! Si ate Racquel ang hula kong matatanggal this coming Sunday. Sana magtagal muna si Sam sa Bahay ni Kuya dahil alam ko pag napapanuod siya ng mga kaibigan ko sa Pinas ay parang nakikita din nila ako sa TV screen so hindi nila ako gaanong mamiss. (Di naman kumidlat, siguro totoo, hehe.)
8:23pm. I have to stop here now. Wednesday ngayon matagal na akong hindi nakapagnovena kay Mama Mary, Our Lady of Perpetual Help.
Night Prayer:
“ Lord, give our bodies restful sleep; and let the work we have done today be sown for an eternal harvest. Through Christ our Lord.”
______________
* Ang My Dear Diarya ay kinopya ko sa pamagat ng kwelang blogs ni Mr. Dj. Makamasa ang kanyang kwento at nakakatuwang basahin.
Thursday, October 06, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kuya, bro jj musta na? sobrang ngiti naman ako sa blog mo. nakakaaliw same time may food for thought pa. :) excited naman ako sa ordination mo saka advance congratulations bro jj. will be thinking of you in my prayers. always. (ps: picture naman sa blog mo with your pangkasal). baka naman mas maganda ka pa sa akin niyan sa pangkasal mo ha. hehe.. j/k basta excited ako para sa iyong big day! just droppin by as usual bro. ingat.
hello rio!
nagulat naman ako sa comment mo. i didn't expect na updated ka pala sa blogs ko..hehe. thanks for your greetings and remembering my kasal. Kausap ko sa phone kanina ang mommy mo.
Hey, galing talaga ng Funny Comics kasi magaling ka pa rin sa magbasa ng Tagalog:) Ingat!
Post a Comment