Pasko na.
Eksena: Dumating si Santa Claus sa kalagitnaan ng kasayahan. Tuwang-tuwa ang mga bata sa party, sabay sabay na nagsigawan ng makita si Santa Claus (parang mga bata). Nakakatuwa halatang Pinoy si Santa Claus. Ang dami nyang inihagis na mga candies at chocolates mula sa kanyang pulang bag.
Pagkatapos ay tinipon ni Santa Claus ang mga bata. Habang nakaupo at nakabilog sa harap ni Santa nagtiyaga ang mga bata na makatanggap ng regalo bukod sa napakaraming kending ipinarabol sa kanila. Pero dahil sa 'di inaasahang bilang nila nagkulang ang regalo ni Santa Claus. Umiyak tuloy ilang bata na di nakatanggap (parang mga bata). Ngunit ganun pa man masarap pa din maging bata tuwing Pasko
0 comments:
Post a Comment