Tuesday, May 29, 2007

Lumang Senti

Minsan 15 taon na ang lumipas inutusan akong magsoli ng kaldero sa mga lola ko. Binalot ko ang kaldero sa plastic na maganda para walang makapuna at isinabit sa manibela ng aking lumang bisekleta. Kailangan sa loobang kalsada ako dumaan baka kasi makita ako ng crush ko kung sa main road ako dadaan - kakahiya.

Nasa kalahati na ako sa aking pupuntahan ay biglang may natanawan akong grupo sa gilid ng kalsada na masayang nagkukwentuhan. Dahan dahan ang paandar at ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa mga ito.

Napagmasdan ko kaagad siyang nakaupo sa itaas ng mababang pader na yari sa adobe. Nakasuot ng puting t-shirt at blue na shorts. Ngumiti sya. Huminto ako sandaling sandali lang pero parang ang tagal.

15 taon na ang lumipas. Dalawa ang naalala ko ang kaarawan niya at ang kaldero.

No comments: