Friday, May 05, 2006

Art Exhibit

Hindi ko naman masasabi na talagang artist ako dahil may mga kaibigan, mga pinsan at kakilala ako na talaga namang professional sa larangan ng sining. Isa sa mga idolo ko ay ang dati kong kaklase na si Padre Conrado "Badong" Santos Jr. Hindi lang siya magaling sa basketball (matulis ang siko!) kundi'y kilala siyang mabuting pari at pintor sa Bulacan.

Naisipan ko lang ipost dito ang ilang ginuhit ko nuon habang naguubos ng oras at walang magawa, o kaya'y kapag may iniiwasan akong mahalagang gawain. Pero mas madalas kapag inaantok o naiinip ako sa klase lumalabas ang pagka-artistic ko.

Jesus of Nazareth (1996, 2nd year college)
My favorite saint, St. Therese of the Child Jesus (2003)


Blessed Mother Teresa (2002?)

No comments: