Saturday, October 20, 2007

Kapangyarihan ng Panalangin

Kahalagahan ng Panalanging Di Napapagal
Lk 18:1-8
Sto Rosario, Lumbac, Pulilan Bulacan
October 20, 2007


Unang pagbasa - ang nakadipang kamay ni Moises ang tanda ng tagumpay ng Israelita laban sa Amalecita. - Kapag nakataas ang kamay ni Moises sila ay nananalo laban sa mga kaaway Sa Banal na Ebanghelyo ay isinaysay ni Kristo ang isang talinghaga upang ituro sa kanyang mga alagad na dapat silang manalangin lagi at huwag manghinawa.

Sa kwento ni Jesus ay may isang babaing makulit daw na punta-punta ng punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Bagamat hindi sinabi kung ano ang dahilan ay isinasaad sa kwento na matigas ang puso ng hukom at lumipas ang ilang panahon na nagpabalik-balik ang babaing ito

Kahalagahan ng panalangin sa ating buhay
- a life without prayer is like a garden without flowers its ugly.
- a life without prayer is like a soldier without a gun he is unprepared.
- a life without prayer is like a butterfly without wings it's incapable to fly


Panalangin ang nag-uugnay sa ating pagkatao
- kapag tayo ay may mabigat na problema ay parang humihiwalay ang ating isip, nawawala na sa sarili, nabubugnot, nayayamot, walang pasensya sa kapwa nagmumura

Panalangin ang nag-uugnay sa bawat isa sa atin
- inaalala natin ang presensya ng ating mga mahal sa buhay sa panalangin
- Ilan sa atin dito ang may kamag-anak, kapatid, anak o asawa sa ibang bansa?
- Ilan sa atin dito ang may mahal sa buhay namayapa?
- Ilan sa atin dito ang pamilya na pinaghiwalay hindi ng kamatayan o pangingibambansa kundi dahil sa hindi pagkakaunawaan?

Panalangin ang nag-uugnay sa atin sa Diyos
- sa panalangin unang dumadaloy ang biyaya at grasya ng Diyos
- sa buhay sa seminaryo ay buhay panalangin

Buhay panalangin ng isang pari
- kapag nawala na ang prayer life ng isang pari duon nagsisimula ang pagbasak ng kanyang bokasyon
- ang panalangin ang syang nag-uugnay sa Diyos

Si Kristo ang modelo natin sa pagdarasal
- Nuong isang Linggo ay itinuro ni Kristo sa Ebanghelyo isang aspeto ng panalangin – ang magpasalamat

Ngayong Linggo ang panambitan sa atin ni Hesus ay manalangin lagi at huwag manghinawa
- Para nga sinasabi sa atin ni Kristo na tayo ay maging makulit sa ating buhay panalangin kahit paulit-ulit ay okay lang sa kanya.

“Maging Makulit”
- Kapag ang isa bata ay makulit humihingi ng dalawang piso sa una ay di natin papansinin subalit kung ito nagsimulang mangungulit bibigyan natin ito kahit 50 centavos o piso.
- Kung mayroon tayong panalangin na hindi tinutupad ni Lord, huwag tayong manghinawa, huwag tayong magsawa, hindi man Niya ibigay ang atin kahilingan natin ay may ibang biyaya parin tayong mapapala.
- May mga taong may cancer o may karamdaman lagin humiling sa Diyos na sila ay pagalingin…hindi man sila gumaling ay nagkakaroon sila ng lakas at tiyaga na buhatin ang kanila krus.


Si Krito ay “makulit”
- Sa bandang huli- kung iisipin natin si Kristo pa ang nangungulit sa atin araw-araw, lingo-linggo.. o sa tuwing tayo ay nananalingin
- Kinukulit nya na tayong magtiwala sa kanya, kinukulit nya tayong magpakumbaba, kinukulit nya tayong magpatawad, kinukulit niya tayong subukang magbago, kinukulit nya tayong mahalin sya at ating kapwa.

Kinulit nya tayong manalangin lagi dahil mahal niya tayo.

Si Maria din ay hindi naghinawa
Ipihayag ni Maria ang salita ng Diyos ng paulit-ulit mula ng siya ay tumalima sa mensahe ng Anghel, hanggang sa pagsilang kay Jesus, sa pagpapalaki kay Jesus, hanggang sa pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus ni Jesus ay paulit-ulit na ipinapapahayag ni Maria ang Salita ng Diyos.


Manalangin tayo sa Diyos na huwag nawa tayong maghinawa sa ating buhay panalangin. Amen.

No comments: