Friday, July 20, 2007

Bb Socorro Laniog

Ipinanganak si Binibini Socorro Laniog taon 1929. Nagtapos siya sa National Teacher College nuong 1960.
Sa loob ng halos 37 taon nagturo si Ma'am Laniog sa St Dominic Academy, Pulilan, Bulacan, kaya't ilang salin ng henerasyon sa Pulilan ang pinalad na dumaan sa kanyang istrikto ngunit masayang istilo ng pagtuturo. May nagsabing kung may Mary Walter daw ang pelikulang Tagalog ay may Miss Laniog naman daw ang SDA.
Huling naglingkod si Ma’am bilang guro sa Fernandez College Technical High School sa Baliuag kung saan siya ay nagturo sa loob ng 7 taon.

Nakakalungkot ang mga huling taon ni Ma’am dahil siya ay halos nabuhay sa hirap. Madalas siyang makikitang nakaupo sa harap ng munisipyo ng Pulilan, nag-aabang at nanghihingi sa mga kakilala o kaya’y sa mga naging estudyante niya.
Ipinagkait man kay Ma’am Laniog ang maginhawang buhay, siguradong kung saan man siya naroroon ngayon ay tinatamasa na niya ang ibayong ligaya at yamang taglay ng Poong Maykapal dahil na rin sa kanyang paglilingkod at mabuting pakikitungo sa kapwa.

July 1, 2007, inihatid sa huling hantungan si Ma’am Laniog sa Garden of Love Memorial Park. Dahil sa dami ng tao na nagparangal at nakiramay kay Ma’am Laniog sa burol at Santa Misa, masasabi daw na isa ito sa pinakamalaking okasyon ng libing sa bayan ng Pulilan.

"wala na po sya please pray for her soul"
- Peejay

"lam u n b blita? patay n c ms. laniog. c lerelyn n eileen gay send message thru frendstr.."
- Pilar

"MS. LANIOG PASSED AWAY LAST NIGHT SA PALTAO NAKABUROL.."
- lerelyne
"sa mga ka batch ko! iniwan n tayo ni maam laniog!lets pray for her!"
- rio
" please pray for the soul of our teacher ms.laniog,she passed away last night."
- Eileen gay

joel: sa bisita ng paltao ata binurol
elsa: dami siguro pumunta noh? parang reunion
elsa: ilang generation ang estudyante nya eh
joel: oo nga parang reunion tayo lang wala
elsa: di bale maintindihan nya un...may representative nman tayo eh
.
"Marami ang natuwa,napaiyak at napasayang atin ulirang guro na si ma'amLaniog. Ngunit sa kabila nito, marami tayong natutunan aral sa buhay na hanggang ngayon ay atin pa rin bitbit kahit san tayo magpunta. Isa ka ma'am Laniog na humubog ng akin buhay, ikaw ma'am isa sa naging gabay ko kapagtuklas ng buhay. ang iyong walang sawang pagbibigay pangaral ang patnubay ng iyon mga mag-aaal. Lumipas man ang maraming panahon...tanim pa rin namin sa aming puso ang iyon mga sinambit at ito ay bahagi ng buhay.sa huling pagkakataon... Maraming maraming salamat sa amin mahal naguro.... BB.SOCORRO LANIOG....hanggang sa pagkikita natin muli ..sakabilang buhay."
- monet mag-isa

"ang ina at ama eh nagpunta kgabi sa burol ni mam laniog, syang wala daw kyo dun, by batch ang nandun parang reunion na din daw, tapos may mga nagsasalita na mga students nya dati. exmple ng isang kwento, tinanong daw sya ni mam laniog ng sakit na makukuha pag kinagat sya ng lamok. ang sagot daw nya ay bacteria, iyon daw pla eh malaria kaya hanggang nagyon eh bacteria ang tawag sa kanya. baka kilala nyo yun kung cno mang bacteria sya hehe,."
- cune
***
MARAMING SALAMAT MISS LANIOG SA MASASAYANG ALA-ALA.
REST IN PEACE NA PO.
***

5 comments:

Babang said...

bro, di nakarating sa kin balita... May she rest in peace....

Batch '78 said...

hi there from LA..uncle ako ni Daisy David...and also a former student of Miss Laniog. We are all sadden by her demise especially our batch '78 has a planned reunion this coming December.

do you mind if I link your site to our reunion website. i'm sure my batchmates would be glad to read your post about her?

Batch '78 said...

oppps sorry...i should have given you the link to my site...

http://grandreunion.blogspot.com/2007/06/paalam-miss-laniog-at-maraming-salamat.html

John Joel said...

Ok po lang po sir ediboy you may link this post in your website. Hope many would attend your highschool reunion in December. I was one year ahead of Daisy David in highschool.

Batch '78 said...

thanks. i just realized you are a priest. God bless!