Wednesday, June 06, 2007

Eto ang Milan

che. lla. ne. zio. nie. si. no. voi. co. to. ta. li. nia. llo. me. die. de. nio. te. gio. dre. io. to. me. per. te. rno. ale. nel. uale. iamo. il. nio. e. ero. qui. con. zie. tra. nza. uon. tti. su. uti. in. sto. iale. di. ore.

Di yan mga secret codes pang-tawag sa aliens at opkors di rin yan puzzle na pag pinagsama-sama ay may mabubuong magic words o malalaman mo kung sino ang may crush sa iyo. Di rin yan uri ng bagong virus o bagong translation ng Butsikik. Ang mga iyan ay mga last syllables na natutunan ko nung Sabado ng gabi.

Nakikain ako sa isang Italian family nung Sabado. Para sa aming mga Italyano (haha.. ako pirated) normal lang ang tatlong oras na kainan. Eto ang sistema: entree ng entree, entree, main meal, fruits, desserts, cafe, at pagka-minsan may bonus pang keso at nuts. Sa loob ng tatlong oras 80% ng usapan ay Italiano. Dahil gifted ako wala akong naintidihan. Kaya kesa makatulog ako kinabisado ko na lang last syllables ng wika nila.

Kanina naman ay dinalaw ko ang isang pamilyang Italyano na namatay ang tatay kaninang umaga lang :( Buti Ingles ang usapan namin pero pag sila-sila na Bisaya na.. opps Italian pala (pis tayu dudong!). Kahit papaano nagamit ko ang natutunan kong syllables last Sabado night. Ala nga lang sense. Bow.

Moral lesson:

Learning a new language opens____. Learning a new language takes you ____. Learning a new language is a _____. Mastering a foreign language is an oppurtunity to______. Learning a foreign language can be a frustrating task but _______.
Learning a new language can be just as _______. Knowing the language of the other is one of our only _________.

(Fill in the blanks na lang nakakatamad mag-isip sa Ingles e).


PS.
Quation from what movie:
"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? O kailangan mo ako kaya mahal mo ako?"

No comments: