Friday, September 23, 2005

Pinoy Bigbrother II

Dude, I will reiterate what I said on my 25 August entry:

....I am afraid that ABS-CBN's Filipino version of Big Brother would turn out instead another scandalous "Big Brothel House" as what had been reportedly seen in Big Brother houses in UK, America and Australia. It's okay to copy what is "in" (eg. reality tv) from Western countries for the sake of entertainment as long as the moral integrity, modesty and Christian values particularly of our young Filipino people are dutifully preserved.

Sobrang lungkot ako ngayon. Sobrang saya na sana ng PBB dahil medyo nakakarelate ako kina Franzen at Jason, at kahit na sobrang discontented pa rin ako sa pag-attend nila sa Misa sa TV. Super worried din ako dude sa bias na comment ng psychologist ng PBB okay lang daw at 'natural' lang na active ang kanilang hormones (kaya nag-kissing scene nina Sam at Chx). Dude reliable ba ang explanation ni doc. Magcocomment ba ang isang psychologist moral sa implication ng human bahavior? Di pa din okay kahit na alam ng lahat na nangyayari ito sa labas. Dude napapanood namin kayo at milyon-milyong kabataang Pinoy. Kaya dude, sobrang control lang po sa sarili.



The Movie Television Review & Classification Board has ordered the suspension of the hit reality show Pinoy Big Brother for exhibiting scenes that the board deemed beyond the parental guidance classification of the show. Pinoy Big Brother will not air on Sunday, September 25, due to the suspension issued by MTRCB.

In an official letter sent to ABS-CBN, MTRCB Chairman Maria Consoliza Laguardia stated that the September 19 (Monday) episode of Pinoy Big Brother contained scenes that were not suitable for TV Broadcast’s PG Rating despite previous verbal warnings issued against the show.

“Despite verbal warnings and instructions to tone down sexually suggestive language, actuations and skimpy clothing and to edit the subject program to fall within the parameters of Parental Guidance “PG” rating for television broadcast, the board has monitored and determined that the episode broadcast on September 19, 2005, to contain scenes, such as but not limited to, kissing scene between housemates Chx and Sam, gyrating dances in skimpy bikini, double entendre dialogue and use of skimpy bikini, to be beyond the parental guidance classification and not suitable for television viewing in violation of Presidential Decree No. 1986 and its implementing rules and regulations,” the order stated. (Full text on http://www.pinoybigbrother.com)

Saturday, September 17, 2005

Showbiz

Bandang 11:30pm nuong nakaraang Sabado nagtext sa akin ang isang kaibigan ko, "gising ka pa?" Pagkasagot ako tawag agad siya para ipahayag ang mabuting balita, "hulaan mo kung sino kasama ko ngayon buong araw?" Ang sagot ko ay ang mabuti niyang kaaway kaya mali ang sagot ko. "Si Anne Curtis magkasama kami kanina!" Isang beses lang niya sinabi pero gusto niyang mag-echo ito ng paulit-ulit -- "Si Anne Curtis magkasama kami kanina." "Si Anne Curtis magkasama kami kanina.""Si Anne Curtis magkasama kami kanina.""Si Anne Curtis magkasama kami kanina." Nagpunta daw si Anne Curtis kasama ang kapatid niya na mag-aaral dito. Sinamahan daw ng kaibigan ko na mamasyal. "Ba't di mo ako tinawagan? Buong araw akong walang ginagawa!" sabi ko. "Malayo ako eh" alibi niya. "Aalis na siya bukas ng umaga" pag-aassure niya na wala ng tyansa na mameet ang dati kong crush na naging kampanerang kuba.

Nanghihinayang lang ako kasi malaking kawalan para kay Anne Curtis ang 'di niya ako mameet. Nameet ko na siya 2 years ago (May 11, 2003, 11.30am..hehe) kung saan ako lang ang bumati sa kanya. Hindi kasi alam ng mga tao dito a artista siya sa Pinas. Kung saan halos isang oras ko siyang tinitigan. Kung saan nag-group picture taking kami at nasa likod niya ako. Dahil di ko kakilala ang may ari ng camera hanggang ngayon imagination pa rin ang picture namin.

Nanghihinayang lang ako para sa kanya kasi hindi niya ko nameet uli. Kawawa naman siya. Siguro iniisip niya ako ngayon., kawawa naman. Sana naman ay 'di siya gaanong maapektuhan sa pag-limot sa akin ng kaibigan ko.


"Anak, ikaw nga anak, matulog ka na. At ano yan?!? Gabing-gabi eh nagdeday-dreaming ka. Hala tulog na!"


Totoo bang narinig ko ito? Oopps sorry po. Good night..

Friday, September 16, 2005

It's Really Happening

Ilang tulog na lang...



Will you give me your life forever
Will you carry my cross everyday?
Will you walk in the light of my presence?
Will you follow the truth of my ways.

Like the purest of gold in the furnace,
is your love strong enough to endure?
Does your faith carry on through the shadows?
Does it shine in the night for the world?

Will you love me as I have loved you?
Will you live me the darkness as I die?
For the moon and the stars will be gone like the night,
and the sun will be shining on you.

(B. Boniwell)



Friday, September 09, 2005

Broken Vow 2

The time now is already 1:29AM.


Anyway, I saw this notice in highschool canteen yesterday morning during my pastoral work:

Remember!

NO thank you.
NO welcome.
NO service.

It is always important to show respect.






Fair enough!:)

Happy Birthday Mama Mary!

Our Lady's birthday celebrates the glorious privilege of her virginal Motherhood, when came the salvation of humankind.

So I sing:

Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday
Happy birthday
Happy birthday to you!:)

Thursday, September 08, 2005

Broken Vow

Sabi ko dati hindi na ako magpupuyat at magka-cram.

Ang oras ngayon ay 12:44 AM, at puro notes pa lang ang nasisimulan sa essay ko.


Boring pa naman mapuyat dito.


...napakatahimik!


Wala man lang tilaok ng manok.


Kaya ako na lang: "ala eh, tik-ta-laok!"






Corny.

Monday, September 05, 2005

Miles Christi

I read today a very inspiring story about a former military man who is now a priest.

I remember in 1999 during our graduation retreat in Baguio I went to the Philippine Military Academy to make an inquiry or if possible I'd like to apply myself immediately. I already made up my mind then that if I would be accepted here, I would definitely leave the seminary! However, when I was asked about my age the officer-in-charge abruptly replied, "Sorry over age ka na!" (I was 21 then).

To console my bleeding heart I bought myself a blue PMA t-shirt, which I really love to wear until now.

Now I understand what God wants me to be is a soldier of Christ.


Click to read the story

Saturday, September 03, 2005

Rock Climbing

Nag-rock climbing ako sa unang pagkakataon. Nakakapanghina pala pag sinabay ang pag-tawa at pag-akyat. May nakapansin kasi na may butas pala ang puwit ng short ko. Pero dahil sa naging inspiration ko ang "Rexona Confidence" commercial naabot ko ang kasing taas ng 3 storey building.

Thursday, September 01, 2005

Radio Interview

My voice was heard all over Australia this morning on a national radio network (I was interviewed yesterday). I ask someone to tape it for me because I was at pastoral work when it was broadcast.

When I came home and listened to the tape I was surprised to hear that my two professors in the Philippines were present at the radio station! Msgr. Andy Valera arrived yesterday in Sydney for a short visit commented that "I'm good a student at masipag." Parang di ako yun.

I talked for 10 minutes. I hope I made sense!

Wowowie

Naka-sama ako sa snow trip ng mga Pilipino kamakailan lang. Kasing saya nang paglublob sa ginadgad na yelo ang manuod ng tape recorded ng Wowowie sa bus nuong pauwi na kami. Di ko makalimutan yung isang host na babae. Punong-punong-punong-puno siya ng energy.

Ang mga constestants nuong episode na yon ay mga babaeng buntis ng walong buwan. Walong buntis na mga nasa early twenties ang napili mula sa mahigit 500 buntis na nagpunta sa studio. Nagpagalingan sa pag-uunahan sa pag-pindot ng buzzer at pagsagot ng tama ang walong-hindi-na-hindi-medyo-buntis. Isa lang ang misyon ng bawat isa: ang manalo at makuha ang perang jackpot prize upang makaahon sa kahirapan.

Sa kabila ng kasiyahan, bakas na bakas ang lamlam ng katotohan. Ininterview muna kasi sila. Kinumusta ni Willie (host) ang kanilang mga asawa at tinanong kung anu-ano ang trabaho nila.

Buntis A: Iniwan siya ng tatay ng kanyang ipinag-bubuntis at sumama sa ibang babae.
Buntis B, C, D, E, F & G: Walang trabaho ang asawa.
Buntis H: Tricycle driver ang asawa. Ok na sana. Kaso, pang-pito na ang kanyang ipinagbubuntis!

Kumusta naman kaya ang 500 buntis na di natanggap?

Nakakalungkot..

Mga bosing (kahit bilang ko lang ang nakakakabasa nito), igalang naman natin ang babae. Maging responsable naman sana tayo. I-angat natin sila. Hindi lang sila tao, tulad ng mga nanay natin, babae sila.