Birthday ngayon ng lola Sining ko. Kung buhay siya 88 years old na siya ngayon. Ano kaya kung buhay siya ngayon? Malakas kaya siya o may sakit? Gagawin pa rin kaya niya ang mga bagay na lagi niyang ginagawa nung buhay pa siya? Ano kaya ang itsura niya ngayon? Ganun pa rin kaya ang boses niya? Mahilig pa rin kaya siyang kumain ng usbong ng bayabas? Kukwentuhan pa rin kaya niya ako ng mga karanasan niya nuong panahon niya?
Bakit kaya tumatanda ang tao? Bakit kaya namamatay ang tao?
Bakit kadalasan ala-ala na lang naiiwan sa atin? Oo, alam ko buhay siya ngayon pero nanduon na siya sa ‘kabila.’
Bakit kaya tumatanda ang tao? Bakit kaya namamatay ang tao?
Bakit kadalasan ala-ala na lang naiiwan sa atin? Oo, alam ko buhay siya ngayon pero nanduon na siya sa ‘kabila.’
Mahalaga sa lola Sining ko ang buwan ng Mayo, hindi dahil sa birthday niya kundi dahil ang buwan na ito ay nakatalaga para sa Mahal na Birheng Maria. Natatandaan ko nuong maliit pa lang ako halos araw-araw sa buwan ng Mayo tuwing hapon ay maraming tao sa bahay ng lola ko. Karamihan ay puro bata din na tulad ko. Magtatawag ang lola ko sa mga laruan kaya halos lahat kami madudungis pag pasok sa bahay niya. Kanya-kanya kaming hanap ng puwesto na mauupuan sa sala. Lahat kami ay may dala-dalang bulaklak na kapipitas lamang sa kapitbahay o sa may tabi ng kalsada. Iba’t ibang ganyak ang mga bulaklak – may nakalagay sa pinggan, sa baso, o tangan-tangan lamang. May gumamela, santan, rosal, kalachuchi, santan na kulaw puti na mabango. Iaalay namin ang mga bulaklak na ito bilang pagpaparangal sa Mahal na Birhen pagkatapos naming mag-dasal at mag-rosaryo sa pamumuno ng lola ko. Nakapila kami sa pag-aalay ng bulaklak. Di ko na maalala ang kinakanta namin nun pero yung melody na isip ko pa, at gusto kong ulit-ulitin ito sa isip ko. Excited kaming lahat pag natapos na ang dasal dahil ang susunod ay ang pinakakaabangan naming…meryenda! Siyempre tulakan kami sa pila sa pagkuha ng pagkain (parang mga bata). Bawat araw iba-iba ng niluluto ng lola ko; ginataang munggo o mais, sotanghon, puto, biko, arozcaldo, atbp. Pero ngayong wala na si lola Sining. Limang taon nang walang mga batang nagdadasal sa bahay niya tuwing buwan ng Mayo.
Oopps time is up na… I have to end my entry for today may assignment pa kasi ako.
But before I go I’d like to dedicate my favourite song to my lola. It’s called “Miss You” by MYMP. I don’t think it is popular in the Philippines yet but I’m sure that those people who have already heard this song found it an awesome composition. This song is very appropriate for long distance relationships or those lovers who got separated. I used to think of my former crushes whenever I play this song but now I got confused whom I’m really singing this song for. I thought of this person, and another, and then another, until I realized they do not think or “miss” me anyway. But I am sure my lola Sining is thinking of me and missing me as I do miss her. Para sa inyo po ito.
"Miss you…
Everyday and every night,
this feeling I’d fight
Try as I might but I won’t win,
I surrender I’d die
You are winning here alright
Every morning when the sun would shine on me I’d flash a smile but deep inside
I feel so sad and lonely
I need you here and now
I miss you
It’s crazy to pretend
that I don’t think of you
The more this feeling just seems to grow and grow
I miss you
Oh how much longer can I hold on to
Maybe you can come and tell me that you miss me too… Miss you...All I want is for this love to last forever. You walked away, never came back, oh I tried to recover I can’t bear it boy (lola), alright When I hear a song that we had used to share I’ll try as I might to hide the tears, and when the pain is over I’ll wish that you are near.
Miss you…"
"Miss you…
Everyday and every night,
this feeling I’d fight
Try as I might but I won’t win,
I surrender I’d die
You are winning here alright
Every morning when the sun would shine on me I’d flash a smile but deep inside
I feel so sad and lonely
I need you here and now
I miss you
It’s crazy to pretend
that I don’t think of you
The more this feeling just seems to grow and grow
I miss you
Oh how much longer can I hold on to
Maybe you can come and tell me that you miss me too… Miss you...All I want is for this love to last forever. You walked away, never came back, oh I tried to recover I can’t bear it boy (lola), alright When I hear a song that we had used to share I’ll try as I might to hide the tears, and when the pain is over I’ll wish that you are near.
Miss you…"
No comments:
Post a Comment