Wednesday, July 26, 2006

pagtatagpo

panalangin ko sana ay
makapiling ka
sa bawat sandali ay
makasama ka

sa aking pag-iisa
ikaw ang nakikita
alam ko bukas
ay may darating na
umaga

panalangin ko sana ay
matagpuan,
ang Kalooban
nya’y ikaw sana

Chorus:
Muling magtatagpo
ang ating puso
pagsasaluhan ang
pag-ibig na Kanyang handog
Huwag nang matakot at
di na muling maghihiwalay
Sa piling Niya tayong dalawa
magsasama habang buhay.

panalangin ko sana
ay ialay sa Kanya
bawat sandali ng
ating buhay

pagkat ang puso natin
ngayon ay iisa
sa Panginoon habang buhay
tayong magsasama.

October 1, 2002
Feast of St. Therese of the Child Jesus

No comments: