Saturday, April 29, 2006

Lost and Found

May kaibigan ako na laging nawawalan ng cellphone. Ako isang beses pa lang nawalan ng cellphone (Nokia 30210). Iniisip ko, siguro nahulog ko 'yun ko sa pampublikong sasakayan o kung saan. Hanggang ngayon umaasa pa akong magkikita kaming muli. Apat taon na ang lumipas...

Kamakailan lang, nagkahiwalay kaming sandali ng cellphone ko (Motorolla E...blabla). Akala ko magiging ala-ala na lang siya tulad ng una. Pero salamat na lang at pwedeng lagyan ng picture ang screen nito. At buti na lang picture ko ang wall paper nito kaya madali itong naibalik sa akin.

Kaya lang, kailangan ko pang ipaliwanag sa nagsoli sa akin na "Crystal Voice of Asia" ang kasama ko sa larawan.



close na kami ni Sheryn!:)







No comments: