Thursday, November 24, 2005

Showbiz 2

Pinapanuod ko sa ngayon ang Extra-Challenge sa internet hindi ko alam kung kelan ito pinalabas sa Pinas. Ang episode ay "Promdi" ang mga challengers ay sina Ruffa, Donita at Jasmine Trias. Ang ganda ng setting, iba't-ibang farm sa Batangas; palaisdaan, bukohan, bibehan, pinitak, atbp. Kanina pa ako tawa ng tawa kay Booba okay pala siya eh. Isa pang nakakatawa ay si Jasmine Trias; matagal na siyang sikat pero ngayon ko lang siya napanuod at napakinggan na di kumakanta. Kanina pa siya tili ng tili at cute siyang magtagalog ("konti excited, pero mas takot").

Pero ito talaga ang kwento ko.

Pagkasimba ko kaninang hapon ay inayaya ko ang kaibigan ko na mamasyal sa Federation Square nabalitaan ko kasi naa nagshooting duon kanina ang cast ng OK Fine. Pagkababa ko ng tram may nakita ko isang grupo ng mga asians na nagkokodakan. Pamilyar sa akin yung isang babaeng maliit iyun pala si Nicky Valdez. Si Edu Manzano nandun din. Pero si Bayani ang nilapitan ko sabay mano, kumustahan at picture taking (buti may camera na ang mobile phone). Tapos sabi ko, "Sa'n si Papa Aga?" Yun pala katabi ko lang. Habang kausap ko si Aga, isa lang ang naconfirm ko: lahat pala tayo may ka-look-a-like! O pano ina-antok na ako.

No comments: